Home Celebrities Anthony “Ka Tunying” Taberna, nagsampa ng reklamo laban sa dating manager ng isang malaking banko matapos ipuslit ang pera ng kanyang negosyo

Anthony “Ka Tunying” Taberna, nagsampa ng reklamo laban sa dating manager ng isang malaking banko matapos ipuslit ang pera ng kanyang negosyo

0

Nagsampa ng reklamo ang mamamahayag na si Anthony “Ka Tunying” Taberna laban sa dating manager ng isang malaking banko at sa kanyang dating finance chief matapos diumano nilang ipuslit ang pera ng kanyang negosyo.

Sa nasabing reklamo, umabot ng 15-M pesos ang napuslit ng mga suspek na sina Ernie Patrick Aquino, dating administrative at finance head ng Taberna Foods at dating Eastwest bank branch manager Gualberto Baluyot II.

Ayon kay Taberna, si Aquino ang humahawak ng dokyumento ng payroll, financial and sales para sa kumpanya.

Mayroon ding access ang suspek sa corporate bank accounts ng Taberna Foods sa Eastwest Bank, UP Village.

taberna1 620x465 1

Naniniwala si Taberna na nakipagsabwatan si Aquino sa dating branch manager ng nasabing banko na si Baluyot para maipuslit ang mga pera sa pamamagitan ng paggawa ng iba pang bank accounts ng walang pahintulot ng kanilang kumpanya.

“He connived with branch manager Baluyut who allowed him to open several accounts in behalf of Taberna Foods without presenting any Secretary’s Certificate or Board Resolution showing his authority to represent the company,”

ka tunying bakery

Nailipat daw sa personal accounts ni Baluyot ang milyon milyong pisong pera ng Taberna Foods sa loob ng dalawang taon.

Kwento pa ni Ka Tunying, sinabihan daw siya ni Aquino na maayos ang lagay ng finances ng kanilang kumpanya, ngunit nadiskubre nila na hindi ito totoo ng nag umpisa ng tumalbog ang mga tseke na inisyu ng kanilang kumpanya noong Nobyembre 2020.

Dito na nag umpisang mag imbestiga si Taberna at nalaman nila na marami na palang ginawa si Aquino na hindi alam ng kumpanya.

“Based on the examinations of bank accounts a total of 175 unauthorized transfers were made from these corporate bank accounts to personal accounts of respondent Aquino in the total amount of PhP 15,381,644.09,” sabi ni Taberna.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay ikinuwento ni Ka Tunying ang ginawang kataksilan sa kanya ng taong pinagkakatiwalaan niya na lumabas na si Aquino pala.

Tunying2

“Nadiskubre namin na ang taong aking pinagtiwalaan, ako pala ay matagal nang pinagnanakawan! Ang pera ng kumpanya, namadyik niya at naidirecho sa sarili niyang bank account. Hindi maliit na halaga, milyong piso na mula sa paghihirap ng mga empleyado ng Ka Tunying’s,” saad ng mamahayag.

“Tama po, habang nagtitiis sa hirap ng pagtatrabaho ang mga panadero, kusinero, serbidor at serbidora, driver, janitor at iba pa, siya naman pala ay nagpapakaligaya sa perang hindi naman sa kaniya. At ang lalong masakit at karima-rimarim, noon mismong ikinuwento ko sa kaniya ang hirap ng kalooban at bulsa dahil sa aming pinagdadaanan gawa ng natuklasang karamdaman ni Zoey, wala pa ring puknat ang pagnanakaw niya sa pera ng kumpanya,” dagdag niya pa.

 

Facebook Comments