Home Celebrities Ama ni Julia na si Dennis Padilla, may mensahe kay Gerald: “Wag mong sasaktan ang anak ko”

Ama ni Julia na si Dennis Padilla, may mensahe kay Gerald: “Wag mong sasaktan ang anak ko”

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Dennis Padilla matapos umamin ang kanyang anak na si Julia Barreto na may relasyon na sila ng kontrobersiyal na aktor na si Gerald Anderson.

Sa isang panayam ng News5, sinabi ni Dennis na wala naman siyang nakikitang problema kung maging magkarelasyon si Julia at Gerald dahil nasa tamang edad na sila para magdesisyon para sa kanilang mga sarili.

Ngunit umaasa si Dennis na hindi gagawin ni Gerald na saktan ang kanyang anak kay Marjorie Barreto.

“Matatanda na sila. Kung saan siya maligaya, suportahan ko na lang siya. Nasa kanya naman yun eh, kung saan siya masaya, doon ako masaya. Ang importante lang sa akin, ‘wag lang sasaktan ang anak ko.” 

Matatandaan na noong Pebrero ay sinambit din ni Dennis ang parehong mensahe para kay Gerald.

“Gerald kung mahal mo naman ‘yung daughter ko, alagaan mo na lang siya. Huwag mo lang sasaktan. Saka huwag mo lang lolokohin para mas masaya ang buhay,” saad ni Dennis.

“Kung saan masaya ang anak ko eh duon ako,” dagdag niya pa.

Nirerespeto din nito ang pagiging pribado ng kanyang anak pagdating sa buhay nito.

“Siguro she wants to be private lang din. Kung magu-open up siya, makikinig lang ako. Kung hindi man, antay lang ako kung kailan siya magsasabi sa akin. Si­yempre, kailangan naman nating respetuhin din yung karapatan ng ating mga anak, siyempre personal naman nila yun eh,” sabi niya.

“She’s an adult. She’s already 23. So, I’m sure alam naman niya kung saan ang tama at mali. Sa akin lang, kung saan siya masaya eh dun ako susuporta. Basta nasa likod lang ako. I’m just a text away kung ano man ang problema,”  dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang balita kung magkikita ba si Gerald at Dennis.

 

Facebook Comments