Dismayado ang komedyante na si Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang dahil sa sistema ng ilang LGU pagdating sa pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga nasasakupan.
Sa isang tweet, pinagkumpara ni Pokwang ang sipag ng mga opisyal tuwing eleksyon at kapag mayroong suliranin na kinakaharap ang mga tao sa kanilang lugar.
Ayon sa komedyante ay masipag ang ilang opisyal kapag mangangampanya sila, ngunit nagtataka siya kung bakit hindi nila ito magawa ngayong namamahagi sila ng ayuda sa mga tao.
“Oo nga naman kapag eleksyon sipag mag house to house para manligaw ng botante!!! tapos sa halagang 1k, 2k, 4k na ayuda pinapipila nyo ang tao???? LGU woohoo baka pwede naman mag bahay, bahay nalang kayo kawawa lalo na mga seniors na pumupila ano baaaa???” ani Pokwang.
Oo nga naman kapag eleksyon sipag mag house to house para manligaw ng botante!!! tapos sa halagang 1k, 2k, 4k na ayuda pinapipila nyo ang tao???? LGU woohoo baka pwede naman mag bahay, bahay nalang kayo kawawa lalo na mga seniors na pumupila ano baaaa???
— marietta subong (@pokwang27) April 9, 2021
Umabot ng 8,500 reaction ang nasabing tweet ni Pokwang.
Makalipas ng dalawang araw, pinuri naman ni Pokwang si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa pahayag nito tungkol sa pamimigay ng ayuda sa lahat ng pamilya sa kanyang nasasakupan.
Ayaaannn… ganito dapat! ito ang tama 👍👍 #matutomulasabata mabuhay ka mayor @VicoSotto pic.twitter.com/iwRfFPaZ40
— marietta subong (@pokwang27) April 11, 2021
Naging kontrobersiyal ang pamimigay ng ayuda ng ilang LGU dahil kung hindi kulang ang pera ay magulo ang sistema na pinapatupad para maiabot ang pera sa tao.
Noong Abril 9 ay nag viral sa social media ang nangyari sa Paranaque kung saan makikita ang pagsisiksikan ng tao para makakuha ng ayuda.
Samantala ay pinuri naman ang syudad ng Pasig at Maynila dahil sa maayos na sistema nito ng pamimigay ng ayuda.