Home Celebrities Ogie Diaz, may komento sa pasabog ni Bea Alonzo kay Gerald Anderson: “Hindi pa nareresolba ang kanyang nararamdaman, wala pang closure”

Ogie Diaz, may komento sa pasabog ni Bea Alonzo kay Gerald Anderson: “Hindi pa nareresolba ang kanyang nararamdaman, wala pang closure”

0

Nagbigay ng komento ang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz matapos ang maanghang na pahayag ni Bea Alonzo laban sa kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

Sa kanyang vlog na inilahathala niya dalawang araw na ang nakakaraan ay pinag usapan ni Ogie ang panayam ni Bea para sa isang magazine kung saan ay hindi ito umatras sa mga banat niya laban kay Gerald na diumano’y iniwan siya sa ere.

Naniniwala si Ogie na may dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tila hindi nawawala ang poot sa damdamin ni Bea kapag pinag uusapan ang kanyang ex-boyfriend.

“So ako feeling ko, si Bea talagang hindi pa siya.. hindi sa hindi pa siya nakakaganti, kundi hindi pa nareresolba ‘yung kanyang nararamdaman, wala pang closure talaga para magsalita siya ng ‘ganon,” saad ni Ogie.

“Siguro nabubuhos na ito ni Bea dahil baliwala na yan sa kanya,” dagdag niya pa.

Pero hindi rin naiisip ni Ogie na ‘bitter’ parin si Bea dahil sa ginawa sa kanya ni Gerald.

“Tingin ko hindi siya bitter, gusto niya lang ilabas lahat para masabi niya ang gusto niya at mapakilala niya kung ano ‘yung naging pakikitungo ‘nung lalake sa kanya, hindi para siraan,” sabi ni Ogie.

Matatandaan na naging usap usapan sa social media ang sinabi ni Bea kay Gerald.

“I think it was more of that and until now, he’s not holding himself accountable. That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish,” sabi ni Bea.

“I can’t even find the words to describe that man.” dagdag niya pa.

Facebook Comments