Home Celebrities Gerald Anderson, inulan ng komento mula sa mga netizens matapos mag post tungkol sa “Peace Even in a Storm”

Gerald Anderson, inulan ng komento mula sa mga netizens matapos mag post tungkol sa “Peace Even in a Storm”

0

Imbis na suporta ay batikos ang nantanggap ng aktor na si Gerald Anderson mula sa mga netizens matapos itong mag post ng larawan katabi ang BRP Jose Rizal ng Philippine Navy.

Sa kanyang Instagram post, ipinagmalaki ni Gerald ang modernong barko ng Philippine Navy kasama ang caption na “there is peace even in the storm”.

Hindi naman napigilan ng mga netizens na isipin na ang sinabing ito ni Gerald ang kanyang tugon sa pambabatikos sa kanya ng ex-girlfriend niya na si Bea Alonzo sa panayam sa kanya ng MEGA.

Ayon sa mga netizens ay hindi man lang nagpakita ng pagsisisi si Gerald sa kanyang ginawa kay Bea.

“I think the problem is he thinks he is too gwapo that he became a self-centered immature man. Sayang!” ani @thomysa04.

“Ohhhh yeah.. Walang peace of mind and isang lalaking kagaya mo na di marunong tumanggap ng pagkakamali,” sabi ni @r_noimz.

 

“Sometimes u have to be true in all of ur actions and words because at the end of the day its u who will fine peace w/ in urself,” comment naman ni @mimzycarbonell.

Matatandaan na sa panayam sa kanya ni MEGA entertainment Editor G3 San Diego ay inulit muli ni Bea ang mga akusasyon niya laban kay Gerald na diumano’y iniwan siya sa ere.

“I think it was more of that and until now, he’s not holding himself accountable. That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish,” sabi ni Bea.

“I can’t even find the words to describe that man.” dagdag niya pa.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Gerald at Julia sa sinabing ito ni Bea.

 

Facebook Comments