Home Celebrities Sharon Cuneta, hinimok ang kanyang asawang si Kiko Pangilina na magpakulay na ng buhok: “Di ko matatanggap na katabi ko ay lolo”

Sharon Cuneta, hinimok ang kanyang asawang si Kiko Pangilina na magpakulay na ng buhok: “Di ko matatanggap na katabi ko ay lolo”

0

Ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang mga followers ang ilan sa mga eksena sa loob ng kanilang tahanan kasama na dito ang biruan nila ng kanilang pamilya.\

Sa isang video ay makikita si Sharon habang kausap ang kanyang asawa na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan, kasama ang kanilang anak na si Frankie at Miel.

Ilang sa mga napag usapan nila ay ang problema sa galis ng Senador na tinawag pa ang kanyang sarili na Legalis.

“You’re Khaleesi, ako naman galisin.” ani Pangilinan.

“When you were small, problema niya nung bata pa galis,” sabi naman ng singer.

“Nanood kami ng Lord of The Rings, ang gusto ni Sharon si Legolas.” dagdag pa ng Senador.

“Pero yung pinakasalan ko…” tugon naman ni Sharon.

“Si legalis,” biro ni Pangilinan.

Matapos nito ay napansin ni Sharon ang buhok ng kanyang asawa na puti na kaya naman hinimok nito ang senador na magpakulay na.

“Sweetheart, i-dye mo naman ‘yung hair mo,” ani Sharon.

Dumepensa naman ang mga anak nila at sinabi na mas maganda sa senador ang puti ang buhok dahil mukha daw itong “mature” at “dignified”.

Paliwanag naman ng megastar, ayaw niya lang magmukhang ‘lolo’ ang kanyang asawa lalo na kapag sila ay nagkaroon na ng apo.

“Kapag nagka apo na kasi tayo, hindi ko matanggap na ang katabi ko lolo,” sabi ni Sharon.

Sagot naman ng senador, kapag 65 na siya magpapakulay ng buhok.

Pabirong tugon naman ni Sharon: “Pag 65 ka na DOM (dirty old man) na!”.

Maraming fans ni Sharon ang natuwa sa ibinahaging video ng singer.

Ngunit mas napansin ng ilan ang tila payat na pangangatawan ni Sharon ngayon.

Umabot na ng 369,000 views ang nasabing video.

Facebook Comments