Binanatan ng aktor na si Robin Padilla si Senador Imee Marcos matapos tawagin ng opisyal na “palpak” ang ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine ng gobyerno.
Sa kanyang pahayag nitong Abril 11 ay ipinakita ni Marcos ang kanyang pagkadismaya sa ipinapatupad ng gobyerno at sinabi na dapat ay sumunod na lamang sa siyensya ang mga namumuno imbis na idaan sa lockdown ang mga lugar sa Pilipinas.
“Alam na natin palpak ang ECQ kahit halos isang taon tayo nagdusa. It’s not about policing ever-changing lockdown levels; It’s about urgent, science-based medical solutions. Is there a doctor in our public health house?” sabi ng senadora.
Dito na nagpakita ng pagkalungkot si Robin dahil sa idol na idol niya ang ama ni Imee na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Akala kasi ni Robin ay isa si Marcos sa susuporta ngayon sa ipinapatupad ng gobyerno dahil kilalang kaalyado ng mga Duterte ang pamilya ng senadora.
Paliwanag ng aktor, kahit sa ibang bansa ay isinasagawa ang lockdown.
Sana daw ay imbis na magreklamo ay tumulong na lamang ang senadora sa mga isinasagawa ng gobyerno.
“Wow! Mam Senator Imee Marcos, hindi ako makapaniwala sa nabasa ko ah… Makikiraan po ako sa inyo dahil idol ko si presidente Ferdinand “Apo Lakay” Marcos at crush ko po kayo noong bata ako sa Kulit Bulilit nong araw, pero hindi ko mapapalagpas ito po.”
“Madame Senator, ang Ontario, Canada po is in lockdown din po. Nasa 3200 lang po ang kanilang infection nang sila ay magdesisyon na magsara ng mga bahay, tayo po lumalagpas na sa 10000 kaya kinailangan po uli tayo magsara. Madame, ang lockdown po kasi ang first line of defense kapag may pandemic simula pa po noong araw hanggang ngayon, hindi lang po yan sa Pilipinas.
“Majority of the rich countries are adapting this defense kapag uncontrollable ang infection. Ang pinakamaganda po siguro para maging mainam ang sitwasyon ng mga kababayan natin na apektado ng lockdown ay magbigay po kayo ng personal ninyong ayuda sa mga tao. Kami po kasi na mga normal tax paying citizens ay sagad na. Nabubuhay na lang po kami sa depleting bank accounts namin kaya very immediate na lang ang inaabot ng ayuda namin. Kayo po ay ibinoto ng mga tao at may mga pondo kayo from our taxes, you might as well use it now while your barking at your own government.
“I’m not asking you po na tumanaw naman po kayo ng utang na loob sa gobyerno na ito na binigyan po ng karangalan ang paglilibing sa idol Ferdie ko, pero wow naman tumulong na lang po kayo. This government ignored every single political outcry of the media plus your yellow nemesis. Ang alam ko lang po sa oras na yun no political science was brought up by this government. It was a humanitarian act and respect to my idol, to your father and to the whole ilocandia. We should know and remember about these things as well.
Inulan naman ng halong reaksyon mula sa mga netizens si Robin.
Ngunit hindi ito nagpatalo at hinamon din niya ang senadora na maglabas ng sarili niyang pera para sa mga apektado ng nangyayari ngayong pandemya.
“Wow sinabi niyo sana yan ng hinaharang ang kabaong ng idol ferdie ko. Ang punto ko dito ay maglabas kayo ng personal na pera niyo ni madame imee at ibigay niyo sa tao. Kahit kelan hindi tayo maikukumpara sa mayaman na bansa hindi mangyayari yun Basahin mo nga mabuti ang isinulat ko para maleducate ka rin ang kinompare po dito ay ang dami ng infection sa ontario at sa Pilipinas at ang lockdown po ay global response ng kahit na mayaman o mahirap na bansa,” paliwanag ni Robin.
“Ang pinagtatalunan po dito ay AYUDA na manggagaling sa inyong nga nasa gobyerno at dahil wala ng pera ang gobyerno kaya po kayo bilang mga public servant ilabas niyo na mga personal ninyong pera kasi kami depleted na. Trabaho niyo yan wag kayo sumabay sa angal at reklamo ng mga Tao. Kung May nais kayo sabihin sa gobyerno ninyo Humingi kayo ng private audience sa Pangulo. Hindi niyo trabaho ang magreklamo publicly ang trabaho niyo tumulong sa Tao,” dagdag niya pa.
Naniniwala rin si Robin na kung kakampi talaga ng mga Marcos ang mga Duterte ay dapat suportado nila ang isa’t isa kahit anong mangyari.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Marcos sa mga banat sa kanya ni Robin.