Home Celebrities Ilang netizens, kumbinsido na ‘double’ lamang ni Pangulo ang ipinapakita ngayon ng kanyang mga kaalyado

Ilang netizens, kumbinsido na ‘double’ lamang ni Pangulo ang ipinapakita ngayon ng kanyang mga kaalyado

0

Hindi kumbinsido ang ilang netizens na ang totoong Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinapakita ng kanyang dating assistant na si Senador Bong Go sa publiko.

Matatandaan na nitong mga nakaraang araw ay kumalat ang ilang tsismis tungkol sa diumano’y lumalalang kalagayan ng Pangulo.

Upang patunayan na nasa mabuting kalagayan si Duterte ay ipinakita ni Senador Go ang ilang litrato at video kung saan ay makikita na nage-ehersisyo ang Pangulo.

Makikita rin ang paglalaro ng golf ng Pangulo sa kanyang official residence sa Malacanang.

Ngunit marami ang nagdududa dahil hanggang ngayon ay hindi parin nagpapakita sa publiko ang Pangulo.

Lalo pang lumakas ang kutob ng mga netizens ng ilang beses naunsyami ang kanyang lingguhang ‘Talk to the People’.

Ilang netizens sa Twitter ang naniniwala na hindi ang totoong Pangulo ang ipinakita ni Senador Go kundi ang double lamang daw nito.

Makikita ang ilang comment sa tweet ng Inquirer na marami ang naniniwala na hindi si Duterte ang nasa mga litrato at video o maaring edited lamang ito upang paniwalain ang mga tao na nasa mabuting kalagayan ang punong ehekutibo.

double 1

May netizen na pinagkumpara ang buhok ng Pangulo sa taong ipinakita ni Bong Go sa mga litrato.

double 2

May ilan pa na sinabi na computer-generated imagery o CGI lamang daw ang ibinahagi ng Senador.

172551833 1015227012218263 3570388595675108892 ndouble 3

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang palasyo kung totoo nga ba na may ‘double’ ang Pangulo upang palabasin sa publiko na kaya parin niyang gawin ang kanyang trabaho at wala siyang iniinda na sakit.

Inaasahan na bukas ay magpapakita na sa publiko ang Pangulo.

Facebook Comments