Home Celebrities Dating PBB housemate na si Yen Santos binanatan si Harry Roque: “Basurang gobyerno!”

Dating PBB housemate na si Yen Santos binanatan si Harry Roque: “Basurang gobyerno!”

0

Binanatan ng dating Pinoy Big Brother housemate at ngayo’y vlogger na si Yen Santos si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos nitong maging dismayado sa report tungkol sa quarantine status ng Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon.

Sa kanyang Twitter, inihayag ni Yen ang kanyang pangigigil sa presentasyon ni Roque at dapat daw ay mas maging malinaw at simple ang paliwanag ng tagapagsalita.

Hindi rin daw dapat ipagpaliban ni Roque ang pagpapaliwanag sa publiko tungkol sa pagkakaiba ng ECQ at MECQ.

“Punxxxxta! Kulang kulang magreport! Ipagpapabukas pa kung ano ang pagkakaiba sa ecq at mecq! Pero dami time magliwaliw sa Malacanang! Basurang gobyerno!” ani Yen.

Matatandaan na nitong Linggo ay inanunsyo ni Roque na sasailalim na muli sa MECQ ang Metro Manila, Bulacan, Rizal at Laguna mula Abril 12 hanggang Abril 30.

Ngunit sinabi ng tagapagsalita na sa Lunes na ipapaliwanag kung ano ang pagkakaiba ng ECQ at MECQ.

Pinaboran naman ng ilang netizens ang sinabi ni Yen at pati raw sila ay naguguluhan rin sa pagkakaiba ng MECQ at ECQ.

Mayroon din namang mga sumugod sa Instagram ni Yen para ipagtanggol ang gobyerno laban sa mga banat ng vlogger.

“Yan hirap sa atin porket wala ka ng trabaho at lubog na network mo dahil di nagbabayad ng tamang tax kung maka lait ka sa gobyerno .wow ha!!!kung ako sayo ayusin mo acting skills mo,hanggang ngayon yong career mo di pa rin maka take off .Lol. Laos na kasi,” ani @candy6959.

Facebook Comments