Home Celebrities KC Concepcion pinili na makasama ang kanyang ama na si Gabby sa kanyang kaarawan: “Truly grateful for this family time together.”

KC Concepcion pinili na makasama ang kanyang ama na si Gabby sa kanyang kaarawan: “Truly grateful for this family time together.”

0

Usap usapan ngayon sa social media ang pagdiriwang ng kaarawan ng aktres na si KC Concepcion kasama ang kanyang ama na si Gabby at ang kanyang mga half-sisters.

Sa kanyang Instagram post, makikita si KC habang nagka-kayak kasama ang kanyang kapatid.

Kuha ang nasabing video ng kanyang ama na si Gabby na ngayo’y bida sa isang rom-com ng GMA-7 na ‘First Yaya’.

“Cool, calm, casual. How we celebrated my birthday. Truly grateful for this family time together. No frills, just love,” ani KC.

Ibinahagi din ni KC sa kanyang mga followers ang litrato niya noong bata pa siya kasama ang kanyang ama.

“I had written a full caption but decided you know what I’m just gonna park this here because the photo says it all  …and that is my caption,” sulat ni KC.

 

Hindi naman maiwasan ng mga netizens na mapaisip kung bakit si Gabby ang piniling makasama ni KC sa kanyang kaarawan imbis na ang kanyang ina na si Sharon.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagkaroon ng isyu sa pagitan ni KC at Sharon.

Pero nawala ang mga agam agam ng mga netizens nag magsulat ng mensahe si KC para sa kanyang ina na si Sharon.

“La Reina The ketchup to my fries. The Kris to my Kylie (ok no but whatever). The naughty to my nice (or maybe the other way around). Thank you for bringing me to the world, raising me and doing the best you could at 19 for your Easter baby! You instilled in me so much about love, work and life. You made me both strong and vulnerable, independent but sensitive, you’ve made me resilient,” saad ni KC.

“You always said the best lessons learned in life are learned outside of the 4 walls of the classroom! So true! Thinking of you Mama and love you,” dagdag niya pa.

 

Tumugon naman si Sharon sa pamamagitan ng pagpo-post ng litrato ni KC noong sanggol pa lamang ito.

 

Umabot na ng libo libong reaksyon sa Instagram ang nasabing mga post.

Facebook Comments