Malugod na ibinalita ng showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz na natanggap niya na ang unang dose ng bakuna laban sa C0VID-19.
Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ni Ogie ang nakakatuwang pag uusap nila ng nurse na nagturok sa kanya ng bakuna.
“Nakapag-first dose na ako ng bakuna. Balik ko after 28 days. Sabi nila, kung ano ang available, yun ang i-grab, kaya hindi na ako choosy. Sabi nila, me mga reactions daw after mabakunahan, kaya yung proseso pagkatapos ng bakuna, yung nurse. pinag-rest ako for 15 minutes, dahil baka mahilo daw ako o sikmurain ako, o sumakit ang ulo ko o kung anuman ang maging epekto sa akin ng sinovac, at least andun pa ako.
Sabi ng nurse, “Kumusta po ang pakiramdam nyo, sir?”
-“Ba’t po gano’n?”
“Ay, baket po?”
-“Tinigasan ako?”
Hindi naman binanggit ni Ogie kung anong brand ng bakuna ang kanyang natanggap.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay ipinagtanggol ni Ogie ang kanyang alaga na si Liza Soberano mula sa mga netizens at binanggit niya rin dito ang bakuna.
“Thank you so much po sa lahat ng natutuwa kay @lizasoberano. Sa mga galit kay Liza, update n’yo na lang po kami sa pagdating ng bakuna,” ani Ogie.