Home Celebrities Bea Alonzo may komento sa relasyon ng kanyang ex na si Gerald Anderson at Julia Barreto: “He ghosted me. Makasarili siya!”

Bea Alonzo may komento sa relasyon ng kanyang ex na si Gerald Anderson at Julia Barreto: “He ghosted me. Makasarili siya!”

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Bea Alonzo matapos umamin ang kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson na may relasyon na sila ni Julia Barreto.

Nagsalita si Bea sa panayam sa kanya ng MEGA entertainment Editor G3 San Diego kung saan ay ikinuwento niya ang kanyang panig matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Gerald.

Ayon sa kanya ay kahit anong gawin niya noong pag kumbinsi kay Gerald na mahal niya ito ay hindi ito naniwala sa kanya.

Naging maanghang naman ang mga sinambit ni Bea kay Gerald matapos niyang sabihin na siya ay biktima ng “ghosting” at ni hindi man lang daw nagbago ang kanyang ex-boyfriend.

“Apart from, of course the whole infidelity thing and the whole ghosting thing, I think I’m mad at him more because he gaslighted me. I think it was more of that and until now, he’s not holding himself accountable. That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish,” ani Bea.

“I can’t even find the words to describe that man.” dagdag niya pa.

Inamin niya rin na may isang pagkakataon na gusto niyang komprontahin si Gerald noong nagkita sila sa ABS-CBN ball.

“Nakita ko yung likod nya nung ball pero na-traffic kami, hindi ko na sya nakita and medyo nakainom pa naman ako ‘nun. I would’ve slapped him. I would have,” sabi niya.

Tinawag niya ang experience niya kay Gerald na para daw siyang na “scam”.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Gerald at Julia tungkol sa sinabing ito ni Bea sa MEGA.

Matatandaan na nitong Marso ay inamin ni Gerald ang kaniyang relasyon kay Julia.

Ipinagtanggol niya naman ang kanyang sarili at itinanggi na iniwan niya sa ere si Bea.

“Maraming tao diyan na mas malala, nangungurakot.So pag ganu’n yung iniisip mo, mababawasan, eh. Nagagalit dahil sa lovelife ko, dahil hindi nag-work yung relationship ko, kailangan may perspective ka,” pahayag pa ni Gerald sa nasabing panayam.

 

Facebook Comments