Derek Ramsay, nagsalita tungkol sa ex ni Ellen Adarna: I’m not saying I’m better than John Lloyd Cruz

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Derek Ramsay tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen Adarna na si John Lloyd Cruz.

Matatandaan na noong 2017 ay naging magkarelasyon si John Lloyd at Ellen na nagbunga naman ng isang supling na ngayo’y nasa puder ng aktres.

Sa isang panayam ng showbiz writer na si G3 San Diego nitong Lunes, Abril 6, ay nabigyan ng mabibigat na tanong ang showbiz couple na kaka-engage pa lamang nitong nakaraang linggo.

Tinanong ni G3 si Ellen kung ano nga ba ang meron si Derek na wala si John Lloyd.

Sagot naman ni Ellen ay mayroon silang communication ni Derek na hindi niya nakuha sa dati niyang fiance.

“First is the connection, [it] is the communication. He met me at the right time. He met me because during the pandemic, I fixed myself, I worked on myself. I did a lot of inner work,” kwento ni Ellen.

Ayon kay Ellen ay inayos niya muna ang kanyang sarili bago niya nakilala si Derek sa pamamagitan ng pagpunta sa Bali, Indonesia para sa 14-day mental training.

“So, timing si Derek talaga. That’s how our relationship works. We communicate well,” sabi niya pa.

Dito na nagsalita si Derek tungkol kay John Lloyd.

“Ellen is not saying and I’m not saying I’m better than JL or better than her exes. It’s not that. Or Ellen is better than any of my exes. We met at the right time. We were meant to be and that’s how it works,” sabi ng aktor.

Patuloy naman na tikom ang bibig ni John Lloyd tungkol sa relasyon ng kanyang ex.

Naniniwala si Ellen na kung mas maagang naging magkakilala si Ellen at Derek ay maaring naghiwalay din sila kagad.

 

“If I met him five years ago, I told him, ‘No, I’d be the same crazy girl with issues, who’d hold it in and not express it properly.’” ani Ellen.

Kinumpirma naman ng dalawa na balak na nilang magpakasal ngayong taon, ngunit hindi nila sinabi kung ano ang eksaktong petsa.

“We actually spoke this morning. Meron kaming naisip the purpose of this… ‘I want to marry you. I’m not gonna marry you because I want to wear a gown o I want people to look at me and think I’m the most beautiful bride in the world. That’s not my point. Expect a very simple wedding,” sabi ng aktres.

Naging kontrobersiyal ang relasyon ni Derek at Ellen dahil diumano sa pareho nilang personalidad.

 

Facebook Comments
Previous articleKapatid ng gay na pinagtulungan matapos tawaging “baby” ang isang lalaki, nagsalita na: “Hindi makatarungan ginawa nio. Di namin palalampasin to!”
Next articleDr. Ron Samaniego na pinagpipilitan na ‘scam’ lang ang kumakalat na sakit sa bansa, nanganganib mawalan ng lisensya
Rodrigo Extramadura is a Computer Engineering graduate who found his real passion in writing and following the daily happenings in the country.