Home Celebrities Kapatid ng gay na pinagtulungan matapos tawaging “baby” ang isang lalaki, nagsalita na: “Hindi makatarungan ginawa nio. Di namin palalampasin to!”

Kapatid ng gay na pinagtulungan matapos tawaging “baby” ang isang lalaki, nagsalita na: “Hindi makatarungan ginawa nio. Di namin palalampasin to!”

0

Viral kamakailan lamang ang enkwentro sa pagitan ng dalawang pamilya nitong holy week.

Nangyari ang nasabing komprontasyon matapos tawagin na “baby” ng isang gay ang isang menor-de-edad na lalaki na kanyang kapitbahay.

Hindi nagustuhan ng nasabing lalaki ang ginawa sa kanya ng kapitbahay niyang gay kaya naman ay nagsumbong ito sa kanyang pamilya.

Ang lalaki na diumano’y sinitsitan ng gay.

Imbis na dumiretso sa barangay ay ipinagpilitan ng pamilya ng lalake na idaan ang batas sa kanilang kamay at hinamon ang gayna lumabas sa kanilang bahay.

Maririnig sa naunang video na nakikiusap ang pamilya ng gay na idaan na lamang sa barangay ang kanilang problema, ngunit hindi pumayag ang kabilang panig.

Kalaunan ay lumabas din sa kanilang bahay ang nasabing gay at dito na nag umpisa ang aksyon sa pagitan ng dalawang pamilya.

Maririnig sa nasabing video ang pag iyak ng mga bata na nasaksihan ang ginawa ng pamilya ng lalaki.

Sa isang Facebook post naman ay ipinaglaban ng kapatid ng gay ang kanilang panig at sinabi na sila na nga ang pilit nagpapakumbaba sa nangyari ngunit ayaw talaga magpapigil ng kanilang kapitbahay.

“Nitong hapon nakatambay mga kapatid ko sa labas. Nakain sila ng mangga. Dumaan daw itong lalake habang nagkakasiyahan sila sa labas. Tapos tinawag ng kapatid kong bakla yung naka sando na “BABY”. Bumalik, at pagbalik inaambahan na ang kapatid kong bakla. Kesyo nahaharass na daw sia. Tapos nakita ng kapatid kong lalaki na inaambahan si bakla kaya tinulak nito. Ngayon pinuntahan namin sa baba at humingi ng pasensya magulang ko sa nangyari,” kwento ng kapatid ng gay.

Iginiit nila na hindi din lumaban ang kanyang kapatid sa pamilya ng lalaki.

Nadamay narin daw pati ang nanay niya, mga kapatid niya at mga pamangkin niya sa away kaya naman ay hindi sila magdadalawang isip na magsampa ng reklamo laban sa kanilang kapitbahay.

“Wala kami kasalanan sainyo! Ni hindi kami nakikihalubilo kahit sa ibang tao. Nakiusap pa kami sainyo na sa brgy. Nalang.Sabihin nio may nangsisit daw na lalaki sa bahay namin sa babaeng nka dilaw. Eh puro kami babae sa bahay. Ang lalaki don kapatid ko lang na may asawa at anak tska pamangkin ko. Napaka galing nio gumawa ng storya! Di namin kayo kilala at wala kami pakialam sainyo sa ginawa niyo samin napaka niyo!! Wala kami laban sainyo puro kami babae,” giit nila.

Inaasahan na pag uusapan ang nasabing isyu sa programa ng mamamahayag na si Raffy Tulfo.

 

Facebook Comments