Home Celebrities Raffy Tulfo, may banat kay Sec. Francisco Duque III: “Pinagre-resign na po kayo, maging mga kapwa niyo doktor nagsasabi”

Raffy Tulfo, may banat kay Sec. Francisco Duque III: “Pinagre-resign na po kayo, maging mga kapwa niyo doktor nagsasabi”

0

Dumagdag na ang mamamahayag na si Raffy Tulfo sa mga kilalang personalidad na humihiling na mag-resign na sa kanyang pwesto bilang kalihim ng Department of Health (DOH) si Francisco Duque III.

Sa isang episode ng kanyang radio program na Raffy Tulfo in Action (RTIA), binanatan ng mamamahayag si Duque dahil sa nangyayaring mabagal na aksyon ng DOH at FDA tungkol sa pag-apruba ng mga murang gamot na posibleng lunas laban sa nakakahawang sakit.

Binanbangit ni Tulfo ang gamot na viral ngayon sa social media na Ivermectin.

Sinabi rin ni Tulfo na may mga ilang personalidad daw ang pinagkakakitaan ang nangyayari ngayong pandemya sa bansa.

“Unfortunately, itong mga scammer, ilan sa kanila ay mga taga-gobyerno na nagsasamantala” ayon kay Tulfo.

Dito na binanatan ni Tulfo si Duque at sinabi na marami ng tao ang humihiling na siya ay magbitiw na sa pwesto.

“Even the senators na kaalyado ng pangulo, pinagre-resign na po kayo, maging mga kapwa niyo doktor nagsasabi na it’s time for you to go, pero bakit ayaw niyo pa rin sir?” ani Tulfo.

“Sir (Duque) naman, kung talagang ang intensyon niyo lang ay ang maglingkod sa bayan, at kabila niyan ay ikaw ay binabatikos, at sinasabing wala kang silbi, umalis ka na diyan then leave!” dagdag niya pa.

Matatandaan na ilang beses ng ipinanawagan ng ilang kilalang personalidad ang pagbibitiw ni Duque dahil diumano sa palpak nitong pamumuno sa DOH.

Ngunit mismong ang Pangulo ay nanindigan na siya ay tiwala parin kay Duque.

 

Facebook Comments