Home Celebrities Misis na galing Japan, huli sa sarili niyang bahay ang asawang hapon at kabit nito

Misis na galing Japan, huli sa sarili niyang bahay ang asawang hapon at kabit nito

0

Naging maaksyon ang komprontasyon sa pagitan ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) galing Japan at ang isang babae na diumano’y kabit na kanyang asawang hapon.

Huling huli kasi ng OFW na si Sheryl Tanyag ang kanyang asawang hapon at ang kinakasama nito diumano sa kanyang sarili pa namang bahay.

Akala daw ni Sheryl ay kasambahay lang nila sa bahay ang nasabing babae sa kanilang bahay ngunit kalaunan ay nabisto rin niya ito.

Hampas gamit ang mamahaling bag ang natanggap ng diumano’y kabit na itatago na lamang natin sa pangalang Juztin kay Sheryl dahil narin sa pangigigil nito sa babae na ilang beses na diumanong nahuli ngunit dikit parin ng dikit sa asawa niyang hapon.

Todo tanggi naman ang nasabing babae kay Sheryl at sinabi na hindi siya babae na mababa ang lipad.

Sa nasabing video rin ay binanggit ni Sheryl na may mga natanggap na si Juztin sa hapon.

Katwiran naman ni Juztin, nagbebenta daw ng laman si Sheryl sa Japan na hindi naman daw totoo ayon sa OFW dahil hindi naman daw lahat ng pumupunta sa nasabing bansa ay ganon ang ginagawa.

Dinala naman sa presinto ang magkabilang panig upang pag usapan ang kanilang isyu.

Desidido naman si Sheryl na magsampa ng patong paton na reklamo laban sa nasabing kabit.

Umabot ng milyon milyong views ang nasabing komprontasyon at posibleng magkaroon pa ito ng part two sa Raffy Tulfo in Action.

 

Facebook Comments