Inamin ni Ivana Alawi na hindi lang papuri ang kanyang natanggap matapos niyang gawin ang prank kung saan ay nagpanggap siya na pulubi at tinulungan ang isang tindero ng kutsinta na may ginintuang puso.
Nakilala ang nasabing kutsinta vendor na si Joselito Martinez kung saan ay inalok nito si Ivana na nagpapanggap na pulubi noon ng bente pesos at softdrinks.
Dahil dito ay tinulungan ni Ivana ang nasabing tindero at binigyan niya ito ng 20,000 pesos bilang pabuya sa kanyang kabutihang loob.
Matapos makatanggap ng pera kay Ivana ay nakabili na ngayon ng bisikleta si Joselito na magagamit niya para mas mapadali ang pagtitinda niya ng kutsina.
Ngunit ayon kay Ivana, hindi lang puro magaganda komento ang kanyang natanggap.
May ilan din siyang pagbabanta na natanggap mula sa mga hindi niya pinangalanang tao na sinasabi na siya ay sasampahan ng reklamo dahil sa ginawa niyang pagpapanggap na pulubi.
Nilabag din diumano ni Ivana ang ilang protocols na ipinapatupad ngayon ng gobyerno.
Handa naman daw siyang harapin ang mga isasampang reklamo laban sa kanya.
“Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan nalang nila ako. Haharapin ko ‘yun. Lalaban ako, ‘di ba? Kasi para sa akin, I didn’t do anything wrong. Ang intention ko was just to help out and to inspire people…”
“Wala akong tinapakan na tao, wala akong sinaktan na tao. Masaya ako sa video and I would do it again…”
“Hayaan na lang natin. Narealize ko sa buhay, parang no matter what you do, kung may gagawin kang maganda, kung may gagawin kang hindi maganda, laging may masasabi sila,”
Matatandaan na ilang araw matapos mag viral ang kanyang prank ay may ilan ng netizens at eksperto ang pinuna si Ivana.
Binanggit ng ilang netizens ang Presidential Decree 1563 o ang Anti-Mendicancy Law of 1978 na pinirmahan noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
“Presidential Decree No. 1563 or Anti-Mendicancy Law which prohibits begging or soliciting charitable donations by the poor and other religious organizations on the streets. Giving alms to beggars is also prohibited by law. Giving alms to beggars is also prohibited by law. Her intention is good, but it creates an impression that begging is normal. It may give hope to other beggars that another star/vlogger/influencer would do the same and wait for their luck,” sabi ni netizen Jethro Salamo.