Home Celebrities Artista na diumano’y kabit ni Jon Gutierrez, pinag usapan matapos ibuking ni Jelai Andres

Artista na diumano’y kabit ni Jon Gutierrez, pinag usapan matapos ibuking ni Jelai Andres

0

Usap usapan ngayon sa social media ang diumano’y kalaguyo ng rapper at internet celebrity na si Jon “King Badger” Guttierez.

Sa isang tweet, ibinunyag ng asawa ni Jon na si Jelai Andres ang diumano’y mga ebidensiya na magpapatunay na may relasyon ang nasabing rapper at ang artista na si Yumi Garcia.

Makikita sa nasabing mga litrato ang palitan ng mensahe sa pagitan ng diumano’y artista at ng isa niyang kakilala.

Kwento ng babae na diumano’y si Yumi ay inamin niya na mayroon siyang nagustuhan na lalaki na mayroon ng asawa na kalaunan ay si King Badger pala.

Sinabi pa nito na gusto niya ng tapusin ang kanyang pagiging kabit, ngunit nakiusap ang kanyang karelasyon na wag siya nitong iwan.

Ipinakita pa sa mga nasabing screenshot ang mga tweet diumano ni Yumi tungkol sa “kahati” at ang mga fake account nito na ginagamit para makipag usap kay Jon.

Makikita rin ang diumano’y fake account na ginagamit ni King Badger sa Facebook para naman kay Yumi.

Natawa na nga lang si Jelai na makita ang diumano’y mga ebidensiya ng pagtataksil sa kanya ng kanyang asawa.

Samantala ay nakiusap naman si King Badger na huwag ng idamay pa ang ibang tao sa nasabing isyu.

“Wag na kayong mandamay ng mga taong walang kinalaman sa mga bagay bagay sa buhay ko. Pati ibang mga tao at pamilya naapektuhan na eh,” ani Jon.

Tumugon naman si Jelai at tinawag na ‘Superhero ni Yumi’ ang kanyang asawa.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Yumi sa mga akusasyon laban sa kanya ni Jelai.

Facebook Comments