Home Celebrities Angelica Panganiban sa kanyang kritiko: “Hello Sarah. Style mo baguhin mo!”

Angelica Panganiban sa kanyang kritiko: “Hello Sarah. Style mo baguhin mo!”

0

Pinatulan ni Angelica Panganiban ang isa sa kanyang mga kritiko sa Twitter matapos nitong maglabas ng pagkadismaya sa nangyayari sa bansa.

Nitong Abril 2 ay nagpakita ng pag-aalala si Angelica sa mga mahihirap na tao sa Pilipinas na hindi kayang gumastos para sa swab test.

Hiling niya ay sana’y magkaroon ng free mass testing sa bansa upang hindi na mag alala ang mahihirap kung saan sila kukuha ng pampa-swab.

“Hinang hina ka na… maglalabas ka pa sa bulsa mo ng pera, para ma swab. At malalaman mo, pasitib ka,” ani Angelica.

“Pano na pa ospital? Gamot? Mental care?! Yung vaccine ba aasahan pa namin sa inyo? D naman diba? KKB! Nakakaiyak. Ito ang emotional.” dagdag niya pa.

Dito na nakakuha ng iba’t ibang reaksyon si Angelica mula sa mga netizens, isa na dito ang netizen na si Sarah kung saan ay sinabihan nito ang aktres na tumahimik na lamang.

“Hey, laos. Shut up na! Di mo na mababangon ang career mo kahit mag iinGy ka pa jan. If you.want tumulong k. Puro ka reklamo!” ani @sasa93212694.

Hindi naman nagpatalo si Angelica kay Sarah.

“Hello Sarah. Style mo baguhin mo. Paulit ulit kayo. Baka next question dito Ano ambag ko?  baka d ka bayaran sa performance mo. Bakit d mo tweet gobyerno na tumulong para matuwa bansa sayo. Ikaw na lang yata naniniwala sa nagbabayad sayo,” sabi niya.

Umabot ng 4,100 reactions ang nasabing tweet ni Angelica para kay Sarah.

 

Facebook Comments