Home Social Media Barangay official na nagsabi na hindi daw essential ang ‘lugaw’ humingi ng tawad sa rider: “Napagod din po siguro ako,”

Barangay official na nagsabi na hindi daw essential ang ‘lugaw’ humingi ng tawad sa rider: “Napagod din po siguro ako,”

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang opisyal ng Barangay Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan na nag-viral kahapon dahil sa pinagpilitan nito sa isang delivery food rider na hindi essential ang ‘lugaw’ na binili nito.

Humingi ng tawad ang opisyal na si Phez Raymundo sa delivery rider na si Marvin Ignacio at sa may ari ng Lugaw Pilipinas dahil sa ipinagpilitan nito ang isang bagay na hindi naman pala ipinapatupad ng gobyerno.

“Ako ay humihingi ng paumanhin, kasama na rin po doon sa may-ari ng establishment at mga grab drivers,” ani Raymundo.

Ipinaliwanag ni Raymundo na dala narin siguro ng pagod sa pagpapatupad ng ordinansa kaya nito ipinilit na ang lugaw na isang mumurahing pagkain ay hindi kinokonsiderang pangangailangan ng tao.

“Yun po ay hindi intensyonal. Dahil late na po ng madaling araw ‘yun, napagod din po siguro ako. Nagkamali po ako nang pagpili ng salita.” saad niya.

Kasama ni Phey ang ilan pang opisyal ng barangay na nagbigay din ng mensahe tungkol sa isyu.

Samantala ay humingi ng tulong sa social media si Ignacio dahil diumano sa pagmamanman sa kanya ng mga lalaki sa oras pa mismo ng curfew.

“Sana po matulungan ninyo kami. Pinagiinitan na naman yung Lugaw Pilipinas. May nagpunta po doon, tama po ba yun… Pasensya na po ha, kasi natatakot ako… Baka saktan nila ako,” sabi ni Ignacio.

“Kahina-hinala yung galaw nila. Wala silang kasamang barangay tanod, wala silang [police] mobile. Naka-motor lang talaga sila, tapos ang gusto nila isara yung tindahan kasi mayroon daw silang memo na pinapakita,” dagdag niya pa.

Kalaunan ay napag alaman na ang mga nagmamanman sa kanya ay mismong mga nagta-trabaho sa Barangay Muzon.

Ayon sa lalaki ay hindi sila pumunta sa bahay ng rider upang manakot at gusto lamang nilang dalhin ang isang memo.

Matatandaan na nag sumikat sa social media ang pagtatalo sa pagitan ni Raymundo at Ignacio.

ara sa private establishments, essential goods and services. Essential po ba si lugaw? Hindi kasi mabubuhay ang tao ng walang lugaw. Ang essential, tubig, gatas, groceries,” sabi ni Raymundo kay Ignacio.

Facebook Comments