Home Celebrities Ina ni Christine Dacera, nakiramay sa mga naiwan ng pumanaw na OPM icon na si Claire dela Fuente

Ina ni Christine Dacera, nakiramay sa mga naiwan ng pumanaw na OPM icon na si Claire dela Fuente

0

Nakiramay ang ina ng flight attendant na si Christine Dacera sa pamilya ng OPM icon na si Claire dela Fuente.

Sa isang panayam sa radyo ay nagpaabot ng pakikiramay si Mrs. Dacera sa pamilya dela Fuente matapos ang pagpanaw ng kilalang OPM artist dahil sa sobrang stress matapos siyang tamaan ng nakakahawang sakit.

Ayon kay Mrs. Dacera ay naiintindihan niya ang pinagdadaanan ngayon ng pamilya dela Fuente dahil nawalan din siya ng mahal sa buhay.

“The Lord God is most high. He is our creator and saviour. God is always in control brother. It’s so hard to loss a loved one. I fell what they feel po. My condolence to their family too,” sabi ni Mrs. Dacera.

Matatandaan na ang anak ni dela Fuente na si Gigo ang isa sa mga suspek sa pagpanaw ni Christine.

Isa si Gigo sa mga huling nakasama ni Christine sa isang hotel sa pagsalubong ng bagong taon nitong 2021.

Mariin namang itinanggi ni Gigo na may ginawa silang masama kay Christine noong araw na ‘yon.

Isa rin ang OPM icon sa isa sa mga pinakaunang nagsalita tungkol sa isyu.

“Alam namin iyong totoo. Bakla ang anak ko eh, ang hirap i-admit pero alam ko iyon matagal na, bata pa siya,” depensa ni dela Fuente noon.

Facebook Comments