Home Celebrities Foodie na nagbigay ng lechon at pansit sa kaarawan ni Duterte, binanatan ang mga pumuna sa handa ng Pangulo

Foodie na nagbigay ng lechon at pansit sa kaarawan ni Duterte, binanatan ang mga pumuna sa handa ng Pangulo

0

Naging kontrobersiyal ang lechon na inihanda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaarawan nitong Marso 28 sa kanyang bahay sa Davao City, ngunit kanino ba nanggaling ang handang ito na pinuna ng ilang kritiko.

Sa isang social media post, sinabi ni @pinoyanghang na hindi mismo galing sa bulsa ni Pangulong Duterte ang inihanda niyang pansit at lechon.

Ipinakita ng nasabing netizen na ang mga handa daw na ito ay nanggaling sa isang nagngangalang Jocelyn Tapic ng Jaya’s Kitchen.

Ibinunyag ni Tapic na siya ang nag regalo ng lechon kay Duterte matapos punahin ng isa sa mga kritiko ng administrasyon ang nasabing handa ng Pangulo.

Ayon kay Tapic ay matagal ng namimigay ng lechon ang Jaya’s Kitchen sa mga frontliners.

“Huy ! Trillanes normal ang Lechon pag may Birthday ! FYI regalo ko yan , ipagbirthday mo naman ang President  sarap kaya ng balat ng lechon hahaha ikaw talaga TRILLANES wala ka na kasing maibabato sa Presidente kaya hayun nag Hallucinate ka na nman !
Eh! nung one year ng Food Ministry ng Jaya’s Kitchen maraming Lechon ang pinamigay namin sa mga Frontliners ! At tsaka blind ka ba Trillanes ?nasa bahay lang si Presidente ! wala sa hotel !” sabi ni Tapic.

Nagpakita pa ng ebidensiya na namimigay talaga ang Jaya’s Kitchen ng mga lechon.

Kahit pala ang pansit na nakitang kinakain ng Pangulo sa kanyang kaarawan ay galing din mismo sa Jaya’s Kitchen.

Matatandaan na ilang kilalang personalidad ang pinuna si Pangulong Duterte.

Nagpapanggap lang daw kasing simple ang pagdiriwang ng kaarawan ng Pangulo habang ang totoo naman ay may lechon itong kasama.

Facebook Comments