Home Celebrities Derek Ramsay at Ellen Adarna, engage na ilang linggo matapos silang umamin sa kanilang relasyon

Derek Ramsay at Ellen Adarna, engage na ilang linggo matapos silang umamin sa kanilang relasyon

0

Ilang linggo matapos silang umamin sa kanilang relasyon, ginulat nanaman ni Derek Ramsay at Ellen Adarna ang publiko.

Sa kanilang Instagram post, ibinahagi ni Ellen ang pag-propose sa kanya ni Derek na ikinagulat naman ng aktres.

Makikita sa mga litrato ang pagkagulat at pagiging emosyonal ni Ellen matapos i-alok ni Derek ang engagement ring sa kanya.

Hindi naman nagdalawang isip si Ellen at ibinigay niya ang matamis niyang “yes” kay Derek.

Kasama sa nasabing engagement ang mga anak nila Ellen at Derek.

“Game Over @ramsayderek07” ani Ellen.

Tuwang tuwa naman at gulat na gulat ang mga celebrity friends nila Derek at Ellen na sina Iza Calzado, Liz Uy, Sam Yg, Rajo Laurel, Daiana Menezes, Heart Evangelista, Tim Yap at Ruffa Gutierrez.

“Omggggggggg grabeeeeeee!!!Congratulations!!” ani Ruffa.

“Oh woooooow!!!! Congratulations!!!!” sabi ni Iza.

Matatandaan na naging laman ng mga pahayagan si Ellen at Derek dahil sa kanilang pag amin sa kanilang relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Ngunit si Derek ang naging mas matunog sa nasabing isyu dahil sa kanyang nakaraang relasyon sa aktres na si Andrea Torres.

Inamin naman ni Derek na handa na siyang magpakasal kay Ellen, ngunit hindi naman akalain ng karamihan na seseryosohin na nga ng aktor ang kanyang sinabi.

“I don’t understand. If that was the case, then why would I be in relationships? These relationships are stepping stones to define that person who you’re going to be with. I’m not using these women. I get into a commitment with them because I think they have the qualities I want in a woman who I want to spend the rest of my life with,” ani Derek sa isang panayam noon.

“But sometimes people clash and you only get to see that side through time. And that’s what’s happened with me. And I don’t want to jump into something that’s supposed to be infinite. No excuses. You can’t just go and get yourself annulled or get divorced. I believe that marriage is infinite,” dagdag niya pa.

“My heart tells me, if I don’t follow through with this one, I’ll regret it. Everything in my heart is telling me that, she’s the one,”

Facebook Comments