Naging emosyonal si Dating Senador JV Ejercito sa kanyang mga post sa Twitter matapos pumanaw ang isa sa mga pinakamalapit sa kanyang buhay.
Nagpadala ng pakikiramay ang mga netizens matapos i-anunsyo ni Ejercito ang pagpanaw ng kanyang bestfriend at alaga na si Gunn, isang black german shepherd.
Naging kilala sa siyudad ng San Juan si Gunn dahil lagi itong kasama ng dating Senador kapag ito ay nagjo-jogging.
Ito rin daw ang laging kasama ni Ejercito kapag masama ang pakiramdam nito.
Kaya naman hindi maitago ng dating Senador ang kanyang pagkalungkot sa pagkawala ng kanyang bestfriend.
Ibinahagi ni Ejercito ang nasabing balita tungkol kay Gunn sa gitna ng balita tungkol sa kondisyon ng kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada, kaya naman nagkaroon ng kaunting pagkalito ang mga netizns.
ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜
— JV Ejercito (@jvejercito) March 30, 2021
Nilinaw naman niya na hindi ang kanyang ama ang pumanaw.
Ayon sa kanya ay nasa mabuti ng kalagayan na si Erap.
“Let me clarify, a lot were confused with my tweets. I am mourning because of the loss of my Doggie/Bestfriend Gunn. My father is in stable condition in the hospital,” paglilinaw ni Ejercito.
Let me clarify, a lot were confused with my tweets. I am mourning because of the loss of my Doggie/Bestfriend Gunn.
My father is in stable condition in the hospital.
Timing that my dog died this morning. 😢
— JV Ejercito (@jvejercito) March 30, 2021
Naniniwala naman ang ilang netizen na maaring may dahilan kung bakit pumanaw si Gunn.
“Sir nakakalungkot po, but pls look at the bright side. Baka po he may have saved someone close to you kaya nangyari eto. But then again, nakikiramay po sa pagpanaw ng dog mo,” sabi ni netizen @denslegaspi.
“Baka po ur doggo saved a loved one,” ani @lheysanpl.
“You’ll see him again happily wagging his tail waiting for you at the rainbow bridge. Keep your head up,” komento ni Jon Aparte.