Kahit ang secretary-general ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na si Renato Reyes ay nakisali narin sa pamumuna sa diumano’y pa-lechon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Sa kanyang tweet, pinuna ni Reyes ang tila pinapalabas na imahe ng kampo ni Duterte na ‘simple’ lang diumano ang pamumuhay ng Pangulo.
“Mukhang basag na basag na yun “simple lang si Tatay” narrative,” ani Reyes na kilalang kritiko hindi lang ni Duterte, kundi pati narin ng mga nagdaang Presidente.
Ipinakita pa nito ang isang litrato kung saan makikita ang handang lechon ni Pangulo.
“Ah eto pala yung di nakita sa picture ano? Galing. Ang simple nung kanin cake, hanggang sa makita mo na may lechon pa at handaan. Ang point lang, pati ba naman sa birthday ay i-scam nyo pa ang publiko? Bakit kailangan may palabas pa kasi?” sabi niya.
“May naniniwala pa ba sa ganitong paandar? #DutertePalpak #DuterteResign” dagdag niya pa.
Ah eto pala yung di nakita sa picture ano? Galing. Ang simple nung kanin cake, hanggang sa makita mo na may lechon pa at handaan. Ang point lang, pati ba naman sa birthday ay i-scam nyo pa ang publiko? Bakit kailangan may palabas pa kasi? pic.twitter.com/b4tNgVtdF9
— Renato Reyes, Jr. (@natoreyes) March 28, 2021
Matatandaan na ipinagtanggol ni Senador Bong Go ang paghahanda ng lechon ng Pangulo.
“Presidente ‘yan. Ayaw n’yo ba pakainin man lang ng pagkain na kinakain naman ng ordinaryong Pilipino kahit saan…kahit man lang sa kaarawan niya? Sa mga bumabatikos kay Pangulo, tingin kayo sa salamin. Mas cute pa ang lechon sa inyo,” ani Senador Go.
“Per PRRD, labinlimang apo at kasambahay ang kumain. Ano pala ipapakain nya?” dagdag niya pa.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Malacanang tungkol sa lechon na inihanda ng Pangulo.