Home Social Media Pangulong Duterte, ikinuwento ang hirap nila para makakuha ng bakuna: “Gusto ko nga umiyak sa harap ninyo pero naubos na ang luha ko.”

Pangulong Duterte, ikinuwento ang hirap nila para makakuha ng bakuna: “Gusto ko nga umiyak sa harap ninyo pero naubos na ang luha ko.”

0

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang diumano’y hirap na pagkuha nila ng bakuna laban sa kumakalat na sakit sa bansa ngayon.

Sa kanyang talumpati nitong Lunes, humingi pa ng kaunting pang unawa si Pangulong Duterte sa publiko lalo na’t limitado parin daw ang supply ng bakuna.

“We are really doing the best of our best talent getting the vaccine from anywhere para menus menus yung hawaan,” ani Duterte.

“Stretch your patience and understanding. We are doing our best. We are not a vaccine producing country. Wala tayong expertise, wala tayong knowledge. So naghihintay tayo,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay gusto niya nalang maiyak dahil sa hirap na hirap sila na kumuha ng bakuna mula sa ibang bansa.

“Gusto ko nga umiyak sa harap ninyo pero naubos na ang luha ko. Kung alam lang ninyo ang…Para akong dumadaan ng purgatoryo ngayon hangga’t hindi ko matulungan lahat ng Pilipino,” saad ng Pangulo.

Sinagot din ng punong ehekutibo ang mga bumabatikos sa ginagawa ng gobyerno at sinabi na kahit ang ibang bansa ay hirap narin sa paglaban sa pandemya.

“Bakit ganoon? Ang gobyerno ba natin nagkulang? Ang gobyerno ba natin walang ginawa? Alam mo sa totoo lang ang naka-lockdown ang countries of Ukraine, France, Germany, Poland, Italy,” paliwanag ng Pangulo.

“75 percent of Italy has entered a new lockdown in a bid to fight the rising rates. Hindi lang tayo,” 

Sinabi pa ng Pangulo na kung may ‘magic wand’ lang siya ay tatapusin niya kagad ang problemang ito ng bansa.

May mensahe naman ang Pangulo sa mga taong nagbebenta ng pekeng bakuna.

“Itong nagi-import ng walang ano, walang source tapos peke tapos ang mga tao magpabakuna, magbayad ng hala dahil nga may bakuna available, I’m just warning you, huwag na huwag kayo magkakamali dito na hirap na ang Pilipino tapos dagdagan mo ng ganitong pamamaraan ng hanapbuhay. Pupulutin ka talaga kung saan,” babala ng Pangulo.

Ito ang mga pahayag ni Pangulong Duterte sa gitna ng mga kritisismo na kanyang natatanggap mula sa mga netizens na tinatawag siyang ‘palpak’.

Facebook Comments