Home Celebrities Alessandra De Rossi, pumatol sa kanyang kritiko na tinawag niyang troll: “Iba talaga pag ‘di mo pinaghihirapan yung perang kailangan mo!”

Alessandra De Rossi, pumatol sa kanyang kritiko na tinawag niyang troll: “Iba talaga pag ‘di mo pinaghihirapan yung perang kailangan mo!”

0

Dumagdag na si Alessandra De Rossi sa mga sikat na personalidad na naniniwala na ang mga bumabatikos sa kanilang mga tweet ay diumano’y binabayaran ng hindi pa makilalang grupo o indibidwal.

Nitong Marso 20 ay isa si mga Alessandra sa mga celebrities na tila may patama sa gobyerno dahil sa tumataas na kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

“8k yung cases for sure! Sino yung hindi umamin?” ani Alessandra.

May ilang netizens naman ang ipinaliwanag kay Alessandra na kahit sa ibang bansa ay may nangyayari ring pagtaas ng mga kaso.

“Sa european countries and even US, they have over 20k cases a day pero walang epal na tulad mo. Instead, they help each other with actions not just lip service,” sabi ni @gog0l.

Apat na araw matapos ang nasabi niyang tweet ay hindi na nakapagpigil akusahan ni Alessandra ang mga bumabatikos sa kanya na ‘internet trolls’ o ‘yung mga tao na diumano’y binabayaran upang magpakalat ng propaganda, maling impormasyon at batikusin ang ilang sikat na personalidad katulad niya.

“One tweet mo lang about the pandemic, masama na kaagad sa trolls? FYI, buong mundo may C0VID! Konti pa lang nakakabangon. I pray isa tayo sa mga yun soon. Nakakamiss maglipstick at magwork na di takot! Masama ba yun? Palibhasa bayad ka dyan sa keyboard mong galing ng 11.11” ani Alessandra.

“Iba talaga pag di mo pinaghihirapan yung perang kailangan mo para buhayin ang pamilya mo. Kung nakaupo ka lang dyan sa likod ng keyboard mo, ang daling sabihing, “sumunod ka nalang”. Uhm.. Sumusunod naman ako kasi may respeto ako sa batas.. Sa kaluluwa mo, di ako sure,” dagdag niya pa.

alessandra trolls 2

Hindi lang si Alessandra ang mga tumawag sa kanyang mga kritiko na ‘trolls’.

Kahit sila Frankie Pangilinan, Janus Del Prado, Liza Soberano at iba pang artista ay may kapareho ding akusasyon sa mga bumabatikos sa kanila.

 

Facebook Comments