Home Celebrities Pangulong Duterte, binatikos matapos maghanda ng lechon sa kanyang kaarawan

Pangulong Duterte, binatikos matapos maghanda ng lechon sa kanyang kaarawan

0

Kahit sa mismong kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi siya nakaligtas sa pambabatikos ng kanyang mga kritiko.

Pinuna ng ilang netizens ang tila pagpapanggap diumano ni Duterte na simple lang ang kanyang ipinagdiwang na kaarawan matapos kumalat ang isang video kung saan ay makikita na may handang lechon ang Pangulo.

Sa nasabing video, makikita ang iba pang inihanda ni Duterte sa kanyang kaarawan na hindi naipakita sa litratong ipinasa ni Senador Christopher “Bong” Go sa media.

photo 2

Ilan sa mga kilalang personalidad na bumatikos sa paghahanda ng lechon ni Pangulong Duterte ay sina Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite at dating Senador Antonio Trillanes IV.

“Acting poor for your birthday photo ops when you’re not really poor is just mocking those who truly have nothing to put on their tables for their own birthdays,” ani Gaite.

“Huli ka! Manloloko! #BudolBudol” sabi naman ni Trillanes.

May ilan naman na idinaan sa tweet ang kanilang pagkadismaya sa Pangulo.

11:12 MABILAUKAN SI DUTERTE NG LECHON,” ani @bl_fanboyph.

“Cake mo kanin pero may lechon?” saad ni @blancamasadao.

duterte tweet birthday

Ngunit may ilan naman nagtanggol sa ginawang paghahanda ng lechon ng Pangulo.

“Presidente ‘yan. Ayaw n’yo ba pakainin man lang ng pagkain na kinakain naman ng ordinaryong Pilipino kahit saan…kahit man lang sa kaarawan niya? Sa mga bumabatikos kay Pangulo, tingin kayo sa salamin. Mas cute pa ang lechon sa inyo,” ani Senador Go.

“Per PRRD, labinlimang apo at kasambahay ang kumain. Ano pala ipapakain nya?” dagdag niya pa.

“As a retired Lechonologist, I am offended that wokes and Dilawans have politicized having lechon, our national dish,” sabi naman ni Atty. Darwin Canete.

photo 1

Ang lechon sa isang kilalang restaurant ay nagkakahalaga ng 8,000 – 18,000 pesos.

Sumusweldo naman ang Pangulo ng  mahigit 395,858 kada buwan kaya naman siguro ay nakaipon ang Pangulo ng pambili niya ng lechon.

 

Facebook Comments