Home Celebrities “Kanin ang cake!” Pangulong Duterte, ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa isang simpleng salo salo

“Kanin ang cake!” Pangulong Duterte, ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa isang simpleng salo salo

0

Ipinagdiwang ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang simpleng selebrasyon sa kanyang tahanan sa Davao City.

Sa mga larawan na ipinakita ni Senador Christopher “Bong” Go, makikita ang Pangulo habang ipini-presenta sa kanya ang kanyang birthday cake na gawa lamang sa kanin.

Ayon kay Senador Go ay hindi naging engrande kailanman ang mga nagdaang kaarawan ng Pangulo, lalo na ngayon na sa panahon ng pandemya.

“Sa matagal na panahong kasama ko ang Pangulo, marami akong hinangaan at natutunan sa kanya. Isa na dito ang kanyang simpleng pagkatao. Bawat kaarawan niya, kahit kailan ay hindi po iyan nagpa-party o nag-celebrate. Kaya sa loob rin ng 23 taon ng aming pagsasama, pinili ko ring hindi magparty sa tuwing panahon ng kaarawan ko katulad niya,” ani Go.

“Ngayong kaarawan ni Tatay Digong, samahan natin siya sa simpleng pagdasal at pasasalamat sa Panginoon. Marami pa namang selebrasyon sa buhay natin. Ang importante ngayon ay alalahanin natin na buhay tayo at patuloy tayong nagtutulungan para malampasan ang krisis na ito,” dagdag niya pa.

Sa isa pang litrato ay makikita ang iba pang inihanda ng Pangulo, katulad ng lechon, pancit atbp.

Kilala si Pangulong Duterte sa kanyang simpleng pamumuhay at hinangaan ito ng kanyang mga taga suporta.

 

Facebook Comments