Home Celebrities Pokwang masaya sa mga kamag anak at kaibigan niya sa abroad: “Buti pa kayo nabakunahan na, kami dito dasal muna”

Pokwang masaya sa mga kamag anak at kaibigan niya sa abroad: “Buti pa kayo nabakunahan na, kami dito dasal muna”

0

Inihayag ni Marietta Subong o mas kilala sa kanyang palayaw na Pokwang ang kanyang kasiyahan dahil ang kanyang mga kaibigan at kamag anak sa abroad ay nabakunahan na daw.

Sa kanyang tweet, binati ni Pokwang ang mga taong malalapit sa kanya na ligtas na ngayon sa panganib ng pandemya matapos silang makatanggap ng bakuna.

Tila kinumpara din ni Pokwang ang kalagayan ng mga tao sa Pilipinas at ‘yung mga nasa ibang bansa.

Sa kasalukuyan ay mga frontliners pa lamang ang dapat nababakunahan ng gobyerno, ngunit may ilang kilalang personalidad ang tila sumingit sa pila katulad ni Mark Anthony Fernandez.

“Masaya ako para sa mga kamag anak at mga kaibigan ko abroad na nabakunahan na… yeheeyyy buti pa kayo woohoo,” ani Pokwang.

kami dito dasal muna na isang araw mababakunahan din kaming mga nasa Pilipinas woohhooo in Jesus name… sa ngayon extra ingat muna tayo mga kababayan,” dagdag niya pa.

Binigyan niya rin ng lakas ng loob ang isa sa kanyang mga followers na wala parin daw trabaho hanggang ngayon.

“Laban lang at dasal! yan ang pinaka matibay na sandata wag kang susuko para sa mga mahal mo please,” ani Pokwang.

Ipinost ito ni Pokwang ilang oras matapos i-anunsyo ng gobyerno ang panunumbalik ng ECQ sa Greater Manila Area.

 

Facebook Comments