Home Celebrities Jon “King Badger” Gutierrez, inakusahan muli ng pambababae ng pamilya ng asawa niyang si Jelai Andres

Jon “King Badger” Gutierrez, inakusahan muli ng pambababae ng pamilya ng asawa niyang si Jelai Andres

0

May panibago nanamang haharaping isyu ang internet celebrity at miyembro ng kilalang rap group na ex-battalion na si Jon Gutierrez alyas King Badger.

Ayon sa pamilya ng asawa ni Jon na si Jelai Andres ay nahuli nanamang nambababae ang kilalang rapper.

Ibinunyag ito ng kapatid ni Jelai na si Candy Andres Monroe sa isang Facebook post.

Tila wala ng pag asa si Jon na patawarin pa ng pamilya ni Jelai dahil sa diumano’y panibagong pagtataksil nito sa kanyang asawa.

“Pag nag kasakit ka wag ka hihingi ng tulong sa family namin ha, mag patulong ka sa babae mo na pinagkatago tago mo kala mo naman hindi namin malalaman. Sorry ka. O baka iwanan ka na naman tapos samin ka bumalik. Wag na wag moko matatawag na ate chichinelasin ko yang muka mo. Yuckkkkkkk! #game O Sige edit ko ilagay natin ang name para malinaw. JON GUTTIEREZ” ani Candy.

Pagbubunyag pa ni Candy ay hindi nagpakita ng respeto si Jon sa mismo niyang asawa at pati narin sa kanyang biyenan.

Pumalag naman si Jon at sinabi na ‘likes’ at ‘shares’ lang ang habol ni Candy kaya nito binunyag sa publiko ang diumano’y kalokohan ng rapper.

“Pasikat lang? Yan dami mo ng likes and shares “ate”. Theses things should be fixed privately at hindi pino-post sa social media. Pinopost para saan? and pagkakaalam ko si Jelai ang asawa ko at hindi ikaw,” sabi ni Jon sa kanyang comment na binura niya rin.

“Buong pamilya yata gusto na maging vlogger at influencer eh. Di lahat ng bagay pinopost sa social media po. Good night guys!” dagdag niya pa.

Pumalag naman kagad si Candy sa pasaring ni Jon sa kanya at pinalala nito na siya lamang ang kamag anak ni Jelai na nakakausap ng rapper.

“Sa buong pamilya namin ako lang ang kumakausap sayo kahit noon pa. Kinakaawaan pa kita kaya NEVER ka nakarinig ng kahit anong katiting sakin sa pangloloko mo sa kapatid ko. AT NEVER KA NAGSORRY SA PARENTS NAMIN. pero palagi kang pinapatawad ni jelai. Anong nagpapasikat at gusto maging vlogger? Ayy nako totoy hindi ko kailangan sumikat ikaw nga nagpasikat sa pamilya namin sa kahihiyan na binigay mo,” banat ni Candy na ginamit ang Facebook page ni Jelai.

Matatandaan na noong 2019 ay naging usap usapan sa social media ang hiwalayang Jon at Jelai dahil diumano sa pambababae ng rapper.

Pinaniniwalaan na ang kilalang vlogger na ngayon na si Toni Fowler ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa.

Itinanggi ni Toni na naging kabit siya ni Jon, ngunit giit naman ni Jelai na may hawak siyang pribadong video na magpapatunay ng kanyang akusasyon.

Nagkapatawaran rin ang dalawa nitong 2020, habang si Toni naman ay sumikat bilang isang vlogger.

Facebook Comments