Home Celebrities Komedyante na si Kaladkaren, may banat: “Dapat ba mag-thank you pa sa kapalpakan ng gobyerno?”

Komedyante na si Kaladkaren, may banat: “Dapat ba mag-thank you pa sa kapalpakan ng gobyerno?”

0

Hindi na nakapagpigil pa ang komedyante na si Jervi Li o mas kilala sa kanyang palayaw na Kaladkaren.

Sa kanyang Twitter page na may mahigit 29,000 followers ay inihayag niya ang kanyang opinyon sa performance ng gobyerno sa mga nagdaang panahon.

Matatandaan na noong Marso 19 ay pinuna ng komedyante ang pamimigay ng face shield ni Health Secretary Francisco Duque III.

“Mismong Health Secretary ba ang dapat mag distribute ng face shield at face mask??? Hindi po ba kayo busy???” tanong ni Kaladkaren.

“NKKLK. Sa ibang bansa milyon-milyon na ang nabakunahan. Sa Pilipinas, namimigay pa rin ng face shield. Honggggalenggggg talaguh,” banat niya pa.

Dito na nakaagaw ng atensyon si Kaladkaren, ngunit palaban ang mga naging pahayag nito sa ilang netizens na pinuna siya.

Tanong niya sa ilang pinunupuna siya, kailangan bang pasalamatan pa daw ang gobyerno kahit na palpak ito.

“Bakit ba tayo nagrereklamo sa gobyerno? Sagot: Bakit hindi? Dapat ba mag-thank you pa sa lahat ng kapalpakan?Thank you po sa bilyong-bilyong utang ng bansa.Thank you po sa mga nakurakot ng Philhealth. Thank you po sa inefficient C0VID-19 response. Promise,thank you. Ganern?!” tanong niya.

Paliwanag pa ng komedyante ay dapat alam ng mga nasa gobyerno ang gagawin at hindi dapat ipasa sa publiko ang responsibilidad.

“HAHAHAHA nakakatawa. Bakit ipapasa sa mga mamamayan ang responsibility na ito? So “HINDI NILA ALAM ANG GAGAWIN.” Eh bakit sila nasa posisyon? These are elected public officials, it’s their duty to serve the populate. As citizens – we have all the right to demand accountability,” sabi niya pa.

“We need leaders… who we can follow and trust! Yes, it is our responsibility to obey and cooperate pero hindi naman yata ‘yung “HINDI NILA ALAM ANG GAGAWIN, dapat turuan natin sila”. NKKLK!” dagdag niya pa.

Umabot ng libo libong likes ang mga tweets ni Kaladkaren.

Facebook Comments