May mensahe ang dating talent ng Star Magic na si Janus del Prado sa mga ‘trolls’ na diumano’y binabatikos siya dahil sa kanyang pagiging kritikal sa kasalukuyang administrasyon.
Sa kanyang Instagram post nitong Marso 24 ay pinuna ni Janus ang mga netizens na tila ay ayaw sisihin ang gobyerno sa nangyayari ngayon sa bansa.
Paliwanag ng aktor, responsibilidad parin ng gobyerno ang mga nangyayari ngayon kahit na hindi sila ang puno’t dulo ng lahat ng problema ng bansa.
“Yung mga obob diyan na sabi ng sabi na wag namin sisihin ang gobyerno ng Pilipinas dahil di nila kasalanan na may virus, eh sino sisisihin namin? Gobyerno ng Mars? Totoo na hindi nila kagagawa ito pero responsibilidad nila yan. Commander in chief diba? So command responsibility. Otherwise wag na kayo tumakbo next election,” ani Janus.
View this post on Instagram
Nakakuha ng halong reaksyon mula sa mga netizens ang post na ito ni Janus.
Hindi naman siya umatras sa mga nambatikos sa kanya na tinawag niyang ‘trolls’ at ‘bayaran’.
“Dear Trolls, ibahin niyo naman script niyo, memorize ko na eh. Ibahin niyo naman para hindi halata na iisa lang nagpapasweldo sa inyo,” saad ni Janus.
View this post on Instagram
Hindi naman binanggit ni Janus kung sino ang binabanggit niya na nagpapa-sweldo sa mga ‘trolls’ na bumabatikos sa kanya.
Umabot ng libo libong reactions ang nasabing post ni Janus na pinuri naman ng ilan niyang followers.
“Correct.. change is scamming. Nag bago nga mas lumala pa. Palpak,” ani @juzfine13.
“So true! ang gobyerno ngaun ibang iba sa mga nkaraang gobyerno! nkakalungkot ang nangyayari sa pinas,palubog na pinas,nilulubog sa utang,” sabi pa ni @juanaababe.