Hindi umatras ang komedyante Marietta Subong o mas kilala sa kanyang palayaw na Pokwang sa mga nambabatikos sa kanya dahil sa mga komento niya tungkol sa mga nangyayari sa bansa.
Sa kanyang mga tweet, palaban si Pokwang at sinagot ang mga kritisismo na kanyang natanggap.
Isa sa mga mensahe na kanyang natanggap ay ang pagpuna sa kanyang itsura na ‘pangit’ daw.
Pero matapang itong hinarap ni Pokwang at sinabi na ang kanyang itsura ang nagbigay sa kanya ng marangyang buhay.
“Halata mo mga B*B* kapag ang atake na sa opinyon mo ay personal nandyan ang tawagin kang pangit, chaka, etc. excuse me ang kapangitan ko ang nagpaganda sa buhay ng pamilya ko at mga nagtatrabaho sa aking negosyo na binubuhay ang pamilya nila na natulungan ng kapangitan ko e ikaw?” ani Pokwang.
halata mo mga BOBO kapag ang atake na sa opinyon mo ay personal nandyan ang tawagin kang pangit, chaka, etc. excuse me ang kapangitan ko ang nagpaganda sa buhay ng pamilya ko at mga nagtatrabaho sa aking negosyo na binubuhay ang pamilya nila na natulungan ng kapangitan ko e ikaw?
— marietta subong (@pokwang27) March 23, 2021
Ipinaglaban niya rin ang kanyang karapatan na ihayag ang kanyang opinyon.
“Lahat ng Pilipino may karapatang mag labas ng saloobin lalo na kungbpamilyado kang tao! neng pilipino ako!! ikaw ba? may pamilya kana ba na apektado ng pandemiang ito? isa kana bang ina? ina man o ama o hindi pa lahat tayo apektado kapag mali ang nangyayare! Boses ko ito paki mo!”
lahat ng Pilipino may karapatang mag labas ng saloobin lalo na kungbpamilyado kang tao! neng pilipino ako!! ikaw ba? may pamilya kana ba na apektado ng pandemiang ito? isa kana bang ina? ina man o ama o hindi pa lahat tayo apektado kapag mali ang nangyayare! Boses ko ito paki mo! https://t.co/eL681y1Abz
— marietta subong (@pokwang27) March 23, 2021
Kahit na nagrereklamo siya ay nilinaw niya naman na sumusunod parin naman siya sa patakaran ng gobyerno sa pamamagitan ng hindi pagtanggap ng mga proyekto.
Matatandaan na isa sa mga aktibong celebrities si Pokwang pagdating sa pagbibigay komento sa mga nangyayari sa bansa.
Pinuna pa nga noon ang diumano’y ‘pagda-drama’ ni Pokwang tungkol sa kahirapan na kanyang nararanasan dahil wala siyang trabaho dahil sa pandemya pero nagpapatayo naman ito ng bahay.
“Hindi po bakasyon ang tawag don sir! Be sensitive naman po! Bakasyon ba matatawag yung umiiyak ka gabi gabi kasi wala kana trabaho? Pano na pamilya at pangkabuhayan nyo? Bakasyon po ba yung need mo isara negosyo mo? Kung ganyan ang bakasyon edi ayoko na magbakasyon,” sambit ni Pokwang.
Depensa naman ni Pokwang, hindi naman daw pera ng ibang tao ang ginastos niya dito.