Home Celebrities Hindi na nakatiis! Janine Gutierrez, nagbakasyon muna kasama ang ina na si Lotlot de Leon

Hindi na nakatiis! Janine Gutierrez, nagbakasyon muna kasama ang ina na si Lotlot de Leon

0

Ipinagdiwang ni Janine Gutierrez ang kaarawan ng kanyang ina na si Lotlot de Leon sa pamamagitan ng isang getaway sa hindi pa malaman na lokasyon.

Makikita sa ilang litrato na tila masayang masaya ang pamilya ni Lotlot habang ipinagdiriwang nila ang kaarawan nito sa isang private resort.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE ✨ (@janinegutierrez)

Hindi rin nagdamot si Janine at ipinakita ang angking ganda ng lugar na kanilang pinuntahan.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE ✨ (@janinegutierrez)

Sa isang video ay ipinakita rin ni Janine ang kanyang pag-e-enjoy sa infinity pool

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE ✨ (@janinegutierrez)

Ilang araw lamang ang nakakaraan ay naging usap usapan si Janine dahil sa kanyang opinyon tungkol sa panibagong ipinapatupad na quarantine restrictions ng gobyerno.

“Napaka-walang malasakit naman. isang taon nang nagtitiis ang mga Pilipino, imbis na magbigay ng solusyon, ang maipapayo mo ay mag-tiis parin at wag magreklamo? hanggang kelan? masunurin at maintindihin ang Pinoy, kung meron lang sanang matinong maaasahan,” ani Janine.

janine tweet 2

Isa lamang si Janine sa mga kilalang personalidad na binabatikos ngayon ang gobyerno dahil sa pagdami ng kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

Facebook Comments