Home Celebrities Pamilya ni Doris Bigornia, lumilikom ng 1.5-M pesos para sa pangangailangang medikal ng beteranong mamamahayag

Pamilya ni Doris Bigornia, lumilikom ng 1.5-M pesos para sa pangangailangang medikal ng beteranong mamamahayag

0

Kumakatok ang pamilya ni Doris Bigornia sa puso ng mga netizens matapos dumaan sa heart procedure at dialysis ang beteranong mamamahayag.

Nasa mabuting kalagayan na ngayon ang mamamahayag ngunit ayon sa anak nito na si Nikki ay kulang parin ang kanilang pera upang gastusan ang iba pang medical expenses ni Doris.

Kaya naman nag umpisa ng isang fund raising ang pamilya Bigornia para makalikom ng pondo para sa kapamilya reporter.

Ayon sa gogetfunding page na ginawa ni Nikki ay nangangailangan pa ng 1,500,000 ang kanyang ina para sa pampagamot nito.

“While we are extremely grateful to those who have helped since mommy’s admission, after having been in the hospital for more than a month (and counting); it is, unfortunately, not enough.” ani Nikki.

“We are knocking on everyones kind and generous hearts to help us in raising funds for mommy’s hospitalization. As a single mom, juggling her career and family, we are thankful that mommy has been able to provide for the family on her own. But our family of three simply cannot make ends meet – hospitalization especially in this time of the pandemic, is financially exhausting.” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay nagpapagaling na daw si Doris matapos ang matagumpay na heart bypass nitong nakaraang Pebrero 25.

Screenshot kuha mula sa crowdfunding page ni Doris.

Dumadaan din daw sa dialysis araw araw ang mamamahayag.

Pinag uusapan narin daw nila at ng mga doktor kung lalagyan nga ba ng pacemaker si Doris na nangangailangan ng isa pang operasyon.

Hindi naman inakala ni Nikki na aabot sila sa punto na kakapusin sila dahil sa nangyari sa kanilang ina.

“We never would have thought that we would be in this situation; more so, helpless and humble in asking for everyones help financially. We would also like to thank everyone who has been continuously praying for mommy and to those who have helped in their own way. You have all been our source of strength and hope,”

Sa mga gustong magbigay ng tulong ay maari lamang pumunta sa mismong page ng crowdfunding para kay Doris Bigornia: https://gogetfunding.com/fundingdoris/.

Facebook Comments