Home Celebrities Liza Soberano, posibleng hindi daw totoong mga tao ang bumabatikos sa kanya: “I’m just a tax payer expressing her frustration”

Liza Soberano, posibleng hindi daw totoong mga tao ang bumabatikos sa kanya: “I’m just a tax payer expressing her frustration”

0

Hindi na pinapansin ni Liza Soberano ang mga natatanggap niyang kritisismo mula sa mga netizens matapos niyang magpakita ng pag aalala sa mga mahihirap na Pilipino sa gitna ng pandemya.

Ayon kasi kay Liza, hindi naman daw totoong mga tao ang mga ito o kung tawagin sa social media ay mga ‘trolls’.

Sa kanyang mga tweet, sinagot ni Liza ang ilan sa mga kritisismo na kanyang natanggap mula sa mga netizens.

“You’re comparing our “poor” country to the first world country? lmao. Yes Liza, our country is too poor to feed every Filipino’s mouth. So, don’t expect that much. I still do appreciate your compassions tho.” ani netizen @dollyyy03_

Tugon naman ni Liza, hindi daw pwedeng maghintay nalang ang bansa ng himala mula sa kalangitan.

“So what do we do? Just sit back and wait for a miracle to happen? Pray that C0VID just disappears. I believe God works wonders but I believe that he gives us the instruments to make that happen. Sad thing is the instruments/decision making are not in our hands,” sagot ni Liza.

May isang netizen naman ang nagpakita ng pag aalala kay Liza at sinabi na maari siyang paulanan ng batikos ng mga taga suporta ng kasalukuyang administrasyon.

Dito na sinabi ni Liza na hindi naman daw totoong mga tao ang mga ito.

“They probably aren’t even real people so why get hurt by their bashing? I’m not stepping on anybody’s toes. I’m just a tax payer expressing her frustration

Photo courtesy: Owemji (fb.com/owemjiupdates)

Nitong Marso 22 ay nag viral si Liza dahil sa kanyang mga tweet.

“America has received 2 rounds of stimuluis already, waiting on the 3rd. Testing is free, vaccination is free. Where is the support for the poor in our country? Madali lang naman po mag stay at home if everyone has food on the table and money to pay the bills,” ani Liza.

Umani ng libo libong reaksyon sa social media ang nasabing tweet ni Liza.

Facebook Comments