Home Celebrities “Hindi apektado!” Tinaguriang “Change Oil couple”, sinubukan ang ‘bestfriend’ challenge sa Tiktok.

“Hindi apektado!” Tinaguriang “Change Oil couple”, sinubukan ang ‘bestfriend’ challenge sa Tiktok.

0

Tila hindi apektado ng mga pambabatikos ng mga netizens ang tinaguriang ‘change oil’ couple na sina Sarah De Leon at Yves Esteban.

Hindi pinalampas ni Sarah ang kasikatan na kanyang nakamit matapos siyang akusahan na ‘kabit’ sa viral post mula sa dating fiancé ni Yves na si Kathryn Roman.

Ngayon ay sikat na sikat na nga si Sarah at kahit saang social media platform ay pinag uusapan siya.

Agaw pansin naman sa mga netizens ang ginawang Tiktok video ni Sarah at Yves na kung tawagin ay ‘bestfriend challenge’.

 “Hindi ako kinilig. Ew. Haha.” sabi ni Sarah sa caption ng kanilang video.

Dito nakumpirma na nagkikita parin ang dalawa kahit na naharap na sila sa patong patong na batikos mula sa mga netizens.

Samantala ay bumanat muli si Kathryn sa dalawa.

“Good girls go to heaven. Bad girls go everywhere diba Sarah De Leon???? Tinatawag mokong ate habang pa sikreto kang nakikipagkita sa fiancé ko na tinatawag mong “kuya Yves” Ang bata mo pa. Mali ka ng taong binanga may kalalagyan ka sakin and I have more receipts to come kaya brace yourself una palang yan. Sorry ka pagod nako manahimik,” babala ni Kathryn.

Tinagurian silang ‘change oil’ couple matapos itong maging alibi ni Sarah upang ipaliwanag kung bakit sila magkasama ni Yves noon.

Mariin namang itinanggi ni Sarah na mayroon silang relasyon o naging kabit siya ni Yves.

“Unang una wala ako dapat iexplain sainyo dahil di ko naman kayo kilala at wala kayong alam. at wala akong inagaw dahil di naman ako kasali nung nag break sila, desisyon nila yon. Kung nagtatago kami bakit kami lumalabas? How ironic diba. Kung di nyo matanggap na friends kami its not my problem anymore judge me nalang lol” ani Sarah.

“Sa mga nagsasabing “kabet” ako, hindi sila kasal wag ako balakayojan,” dagdag pa niya.

Facebook Comments