Home Celebrities Arnold Clavio may mensahe sa Pangulo: “Nagsusumamo po ako at nagpapakumbaba PALITAN ninyo na sila!”

Arnold Clavio may mensahe sa Pangulo: “Nagsusumamo po ako at nagpapakumbaba PALITAN ninyo na sila!”

0

Hindi na nakapagpigil si beteranong mamamahayag na si Arnold Clavio at inilabas na niya ang kanyang saloobin tungkol sa bagong kinakaharap na problema ng bansa ngayon, ang patuloy at pinabilis na pagkalat ng nakakahawang sakit.

Sa kanyang Instagram post, inisa isa ni Clavio ang ilan sa mga pangako ng gobyerno simula ng mag umpisa ang pandemya sa Pilipinas.

Ilan sa kanyang mga binanggit dito ay ang bilyon bilyong inutang ng gobyerno, mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang mabagal na pag usad ng bakuna sa bansa.

“Tama na! Palitan na!Isang taon na tayo mga ‘iGan na nakikibaka sa hindi nakikitang kaaway na C0vid 19.Matapos ang isang taon, mas lalo pang lumala at dumami ang hawaan. Nagkaroon pa ng iba’t ibang variant ang virus na ito. Bilyun-bilyong piso na ang nagastos mula sa pera ng gobyerno – kinita man o inutang. After one year, nasaan na tayo?” tanong ni Clavio.

golf 3 e1616568970848

Pinuna rin ni Clavio ang ilan sa mga nasa paligid ni Pangulong Duterte, kasama na dito si Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kasi sa mamamahayag ay tila sinisi pa ni Duque ang mga Pilipino sa paglaganap ng nakakahawang sakit sa bansa.

“Huwaw! Eh ikaw Sec. Duque? At iba pang opisyal sa gobyerno,
wala ba kayong nakitang kakulangan o kapalpakan sa mga ipinapatupad ninyong hakbangin?

“Sa halip na manisi, matapos ang isang taon, napakatagal ng panahon na dapat ay magsagawa ng pag-aaral na baguhin o mas paigihin pa ang inyong istratehiya.

igan 3

“Bilang gobyerno, katungkulan ninyo na maghanap ng solusyon para maproteksyunan ang inyong mamamayan. Hindi sa salita, mas higit sa gawa.

Pinuna rin niya ang payo na ilagay ang ilang lugar sa luzon sa isang ‘bubble’ dahil nagdulot lamang ito ng “kalituhan” sa tao.

“Dati ko nang nasabi na tila nga ‘walang diskarte’ ang mga nagpapayo sa pamahalaan sa paglutas sa covid19. May tama ba ako, mga ‘iGan?

“Ngayon, malinaw na mahilig naman sila sa ‘tsamba’.

Dito na nakiusap si Clavio sa Pangulo na palitan na ang mga taong nasa paligid niya.

Naniniwala siya na dapat ay eksperto sa medisina at siyensa ang mga nasa paligid ni Pangulong Duterte.

igan 2

“Ginoong pangulo, di naman ho sa nagmamagaling ako. Pero sapat na po ang isang taon na personal ninyong masuri ang situwasyon.

“At kung wala mang hiya ang nakapaligid sa ‘yo. Ni hindi na nga ho sumusunod sa health protocol ay kay yayabang pa sa harap ng publiko, panahon na pong SIBAKIN ninyo na at mapalitan ng mas makatutulong o may mga puso para sa pilipino.

“Siyensiya (science) po ang pagtaya sa C0vid19. Mas kailangan natin ng mga eksperto sa medisina at hindi mga ‘EX’ sa gobyerno.

“Hindi ho magtugma ang sinasabi ng inyong mga taga-payo sa direktang nakikita ng ating mga health worker at frontliner na lalo natin ikapapahamak.

“Para sa ikaliligtas nating lahat, nagsusumamo po ako at nagpapakumbaba PALITAN ninyo na sila!!!

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

Umabot ng mahigit dalawang libong likes ang nasabing post ni Clavio.

Matatandaan na hindi naging popular na kalihim si Duque dahil narin diumano sa paraan nito ng paglutas sa problemang pangkalusugan sa bansa.

May ilan ding mga netizens ang pumuna kung bakit mga dating heneral ang ilan sa mga inatasan ni Pangulong Duterte na resolbahin ang kasalukuyang problema.

Facebook Comments