Home Celebrities Radio host, pinuna ang pagbabakasyon ni Liza Soberano sa mamahaling resort sa Siargao sa gitna ng pandemya

Radio host, pinuna ang pagbabakasyon ni Liza Soberano sa mamahaling resort sa Siargao sa gitna ng pandemya

0

Isang radio host ang pinuna si Liza Soberano matapos itong maglabas ng pahayag ang nasabing aktres tungkol sa tulong na dapat ay matanggap ng mahihirap na Pilipino sa bansa.

Sa isang Facebook post, pinuna ni Mark Lopez ang aktres dahil sa pagbabakasyon nito sa mamahaling resort kahit na pandemya.

Kung may malasakit daw talaga si Liza sa mahihirap ay dapat nagsama man lang ito kahit dalawang mahihirap na Pilipino sa kanyang bakasyon.

“Sana nagsama si Liza Soberano ng kahit man lang 2 na “poor in our country” na concerned na concerned at iniiyak nya, habang nag su- surfing at rumarampa at posing sa mga exquisitely expensive Resorts and Hideaways in the last 3 months na nasa pandemya tayo,” sabi ni Mark.

“Kasi, kawawa naman sya di ba, and feel na feel natin ung sympathy nya para sa mga mahihirap, while dipping in extravagance,” dagdag niya pa.

Ipinakita pa ni Mark ang mga litrato na kuha noong nagbakasyon ni Liza noong Enero.

mark lopez vs liza

Ilang netizen din ang pinuna ni Liza at pati ang tsinelas na soot ng aktres sa isa sa mga litrato niya ay hindi nakaligtas dahil nagkakahalaga daw ito ng libo libong piso.

“Ilang baldehadong maputlang spaghetti kaya ang magagawa ng halagang 36,000 petot para ipamahagi sa mga “poor in our country'” tanong ni Elgin Fontanilla Santiago.

 

162491083 3916573625031856 5133409699845603554 o

Ang isa naman ay ikinumpara si Liza kay Ivana Alawi na kilala sa kanyang pagtulong sa kapwa.

“Walang panama ang mga big star kay Ivana Alawi,hindi puro sisi at ngakngak sa gobyerno,sya mismo ay kusang tumutulong. At naniniwala sya na malaki ang pag asa ng mga Pilipino na umunlad na hindi umaasa lang sa iba,bagkus kaya pang tumulong sa iba kahit na naghihirap din ang mga ito! Mabuhay ka Lodi Ivana Alawi!!!” sabi ni Richard Ibarbia.

Umabot ng isang linggo ang nasabing bakasyon ni Liza sa Siargao kasama ang nobyo na si Enrique Gil.

Nitong Marso 22 ay nagpakita ng pag aalala si Liza sa tila hindi sapat na ayuda na natatanggap ng mahihirap.

Ikinumpara pa ng aktres ang Pilipinas sa Amerika na mas malaki ang budget ng 67 na beses.

“America has received 2 rounds of stimuluis already, waiting on the 3rd. Testing is free, vaccination is free. Where is the support for the poor in our country? Madali lang naman po mag stay at home if everyone has food on the table and money to pay the bills,” ani Liza.

 

 

Facebook Comments