Home Social Media Netizens, tumaas ang kilay matapos magpabakuna ang alkalde ng Tacloban kahit na hindi naman daw ito healthcare worker

Netizens, tumaas ang kilay matapos magpabakuna ang alkalde ng Tacloban kahit na hindi naman daw ito healthcare worker

0

Nagsitaasan ang mga kilay ng mga netizens ng makita ang alkalde ng Tacloban City na si Mayor Alfred Romualdez na nakatanggap na ng bakuna kontra C0VID-19.

Sa isang video ay makikita si Romualdez habang binabakunahan ng nurse mula sa Department of Health.

Matatandaan na nagkaroon ng nasabing sakit noon si Romualdez, ngunit sa kabutihang palad ay nakaligtas ito.

Ngunit nagtataka ang ilang netizens kung bakit nabakunahan na si Romualdez kahit na hindi naman ito isang healthcare worker.

Pinuna rin nila ang hindi pagsosoot ng face mask at face shield ni Romualdez.

“Priority pa more, so what can be done with this non-priority priority? As well as a violator of basic minimum public health protocol, no face mask and face shield eh?” sabi ni Lenie Duran-Alegre.

“I think it would have been a better example if he had waited his turn,” sabi pa ni Jojo Clemente.

Pero may ilan naman na ayos lang naman daw sa kanila na unahin ang mga politiko katulad ni Romualdez na mabakunahan.

“I really don’t envy them. They should be first to be vaccinated, so they can experience whatever risks that come with it,” sabi ni Maria Soccorro Llamas.

Inilathala naman ng League of Cities of the Philippines and diumano’y pahayag ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na kasama daw sa priority group ang mga local chief executives.

Ngunit ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay iimbestigahan daw ng DILG ang nasabing pagbabakuna kay Romualdez.

“Pasensiya na po kayo… Nag-decide na po ang Presidente na unahin muna natin ang healthcare workers at sabihin sa mga mayor na siguro pag marami na tayong vaccine, they can start na,” ani Roque.

Facebook Comments