Home Celebrities Jam Magno, hindi hanga sa talino ng aktres na si Liza Soberano: Maganda ka pero T ka!

Jam Magno, hindi hanga sa talino ng aktres na si Liza Soberano: Maganda ka pero T ka!

0

Idinaan sa video ni Jam Magno ang kanyang pambabatikos sa aktres na si Liza Soberano.

Matatandaan na nag viral ang mga pahayag ni Soberano para sa gobyerno matapos nitong ikumpara ang ginagawa ng Amerika sa Pilipinas.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Magno na dapat ay sa tamang lugar hanapin ni Soberano ang mga impormasyon tungkol sa ginagawa ng gobyerno at hindi sa Twitter.

Tinawag na ‘poster child ng mga negatron’ ng vlogger ang aktres.

Sinabi pa ni Magno na mas abala ang gobyerno sa pamimigay ng tulong sa mga apektado ng pandemya kaysa sa kanya na artista na kumikita ng milyon milyong piso.

“On top of the fact that if you want to know what the government is doing, don’t look for it on Twitter. Look for it in the government pages and agencies that would be happy to answer you,” ani Magno.

“Mas busy pa po sila sa’yo kahit milyon milyon ang kita mo. Sila nagbibigay ng milyon-milyon sa mahihirap. Pero walang nakakapasin kasi nga galit na galit ka sa gobyerno. Kahit ‘yung mismong apektado walang pake sa pinaglalaban mo. Nakakatawa na nakakaawa ang maging maganda pero maisipang t*ng*,” dagdag niya pa.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Liza sa mga kritisismo na kanyang natanggap mula sa ilang netizens.

 

 

Facebook Comments