Pinaghahahanap ngayon ng otoridad ang isang babae matapos itong magtanggal ng kanyang face mask at face shield sa loob mismo ng MRT para makakuha ng ‘selfie’.
Nakuhanan ni netizen Jhona Sy ng video ang hindi pa nakikilalang babae noong March 19 kung saan ay walang ano ano nitong tinanggal ang kanyang proteksyon kahit na maraming tao sa kanyang paligid.
Hindi naman napigilan ni Jhona na sitahin ang nasabing babae at pinaalalahanan ito na hindi sa loob ng isang public transporation ang tamang lugar para tanggalin ang face mask at face shield para sa selfie.
Pero tila hindi nakinig ang babae at ipinagpatuloy pa nito ang kanyang pagse-selfie.
Matapos ang pagkuha ng selfie ay saka niya na lamang isinoot muli ang kanyang mask.
Hindi naman maitago ng DOTr ang kanilang pagkadismaya sa ginawa ng babae.
“We deem the passenger’s action not only reckless and insensitive, but also posed a possible threat to the health of her fellow passengers. We condemn such wanton disregard on these health and safety measures,” ani DOTr-MRT3.
“Hence, we now ask the public’s assistance for information to identify the woman on the video, for investigation and filing of appropriate charges due to violations of the public health and safety protocols,” dagdag pa nila.
Sa ngayon ay hindi parin nagpapakita ang nasabing babae na mahaharap sa reklamo.
Pinaalalahanan naman ng ahensiya ang publiko na sumunod lamang sa ipinapatupad ng gobyerno dahil para naman daw ito sa kapakanan ng lahat.