Home Celebrities Raymart Santiago, may mensahe sa gitna ng pambabatikos ng kanyang dating asawa na si Claudine Barreto

Raymart Santiago, may mensahe sa gitna ng pambabatikos ng kanyang dating asawa na si Claudine Barreto

0

May mensahe sa kanyang social media account ang aktor na si Raymart Santiago matapos siyang batikusin ng kanyang dating asawa na si Claudine Barreto.

Nitong nakaraang araw lamang ay tinawag ni Claudine ang atensyon ni Raymart dahil diumano’y hindi na nito ginagampanan ang pagiging ama ng kanilang mga anak.

“Real dads support their children without the law telling them they have to. This is for you raymartsantiago fight fair for once in your life!!!” ani Claudine.

Sa mensahe naman sa Instagram ni Raymart ay tila hindi niya na pinapansin ang mga banat sa kanya ng dati niyang asawa.

“Peace be with you,” ani Raymart.

Ipinakita pa ni Raymart ang isang video habang ginagawa niya ang ‘underwater yoga’.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by raymartsantiago (@raymartsantiago)

Tila nagpakita naman ng paghanga at suporta ang mga celebrity friends ni Raymart na sina Richard Gutierrez, Iza Calzado, Michael de Mesa at Gretchen Fulido.

Ayon sa ilang balita ay aabot ng P100,000 kada buwan ang hinihingi ni Claudine na sustento kay Raymart.

“Hindi ho ako ang nagsabi na magbigay siya ng P100,000 kundi po iyong judge namin. Kasi, tinitingnan nila iyong background ng mga bata, di ba? He’s supposed to give P100,000 a month which is you know very ano naman, tama lang. Kasi, magkano ba siya, per taping? Eighty thousand?” sabi ni Claudine.

Nag umpisa ang magsalita muli si Claudine tungkol kay Raymart nitong Enero matapos mapabalita na may relasyon na ang kanyang dating asawa sa aktres na si Jodi Sta. Maria.

“Ang akin lang, huwag lang niyang kalimutan ang mga responsibilidad niya. Kasi medyo hindi niya nagagawa ‘yung dapat niyang gawin eh. Hindi siya sumusunod eh. ‘Yun lang naman ang akin. Kung anong meron sila sa buhay nila, okay, go,” ani Claudine sa isang panayam.

Facebook Comments