Home Celebrities Trato ni Derek Ramsay sa anak ng kanyang nobya na si Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz, pinag uusapan

Trato ni Derek Ramsay sa anak ng kanyang nobya na si Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz, pinag uusapan

0

Pinaguusapan ngayon sa social media ang pagtrato ng aktor na si Derek Ramsay sa anak ng kanyang karelasyon ngayon na si Ellen Adarna.

Makikita sa ilang social media post ni Ellen ang tila closeness sa pagitan ni Derek at ni Elias na anak ng aktres kay John Lloyd Cruz.

Sa ilang video, tila ay sariling anak na ang turing ni Derek kay Elias at hindi na ito mapaghiwalay sa mga gawaing bahay.

Tuwang tuwa naman ang ilang netizens dahil tila tanggap na tanggap ni Derek ang nakaraan ni Ellen.

“Wow bait naMan ng step dad nayan,” sabi ni Coach Mary TV.

Ngunit may ilan naman na tila hindi din nagustuhan ang ginagawa ni Derek dahil naniniwala sila na naapektuhan si John Lloyd sa mga ipinapakita ni Ellen sa social media.

“Of course pakitang gilas alam na may video, hugas kamay! Gumawa ka ng sarile mo anak,.” ani Vivian Alberto.

Matatandaan na noon ay nag viral din ang isang komento ng netizens kung saan ay nagpapakita ito nag pag aalala kay John Lloyd dahil sa mga ipinapakita ni Ellen sa social media.

“That’s so wrong in so many levels. what you do with your lover/partner is your business but must you really post it for everyone to see? i was once a single mom myself so i know what elena is going through but i never disrespected the father of my child. no matter what happened between us, i could never do that. you and JLC once loved each other so i can’t even begin to understand why you guys had to post this,” sabi ni netizen brixcherry.

Facebook Comments