Viral sa social media ngayon ang ginawang pambababoy sa ‘Run Sara Run’ tarpaulin na itinayo sa Santa Barbara, Iloilo.
Nakunan ito ng litrato ni netizen Jem Rosalin na isang estudyante ng West Visayas State University.
Kwento niya sa panayam ng Daily Guardian, nakita niya diumano ang tarpaulin noong March 12 na nasa maayos pa na kondisyon.
Ngunit makalipas ng tatlong araw ay nakita niya na lamang ang tarpaulin na hinagisan ng di malamang dumi.
Makikita sa litrato na mismong ang mukha ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang hinagisan ng dumi.
Sa ngayon ay hindi pa nakikita kung sino ang gumawa nito sa nasabing tarpaulin.
Matatandaan na nagkalat sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ang ‘Run Sara Run’ tarpaulin upang hikayatin si ang anak ng Pangulo na tumakbo bilang susunod na lider ng bansa.
Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin nagbibigay ng kanyang desisyon ang alkalde kahit na napakadami ng nagpapakita ng suporta sa kanya.
“There’s no chance that I would change my mind. What’s my reason (to seek the presidency)? I do not want to enumerate the reasons because there’s a lot. I just don’t want to offend or hurt anybody,” ani Inday Sara.
Kahit mismong ang ama niya ay ayaw din siyang tumakbo dahil sa maliit pa ang mga anak nito at mabigat na responsibilidad ang pamunuan ang buong bansa.