Home Celebrities Mensahe ni VP Robredo sa gobyerno, bigyan muli ng ayuda ang mga Pilipino: “Hindi sapat yung binigay natin dati”

Mensahe ni VP Robredo sa gobyerno, bigyan muli ng ayuda ang mga Pilipino: “Hindi sapat yung binigay natin dati”

0

Nagbigay nanaman ng bagong mungkahi si Vice President Leni Robredo sa gobyerno ngayon na tumataas na muli ang kaso ng nakakahawang sakit sa Pilipinas.

Sa kanyang Tweet, nagmungkahi ng ilang bagay si Robredo sa gobyerno kung paano nito masosolusyunan ang kasalukuyang problema ng bansa.

Ito ay ang pagpapalawig ng contact tracing at test, pagpapabilis ng pagbabakuna, at pagbibigay ng permiso sa mga private sectors na makakuha ng kanilang sariling bakuna.

Isa sa mga pinakaumatak na mungkahi ni Robredo ay ang pagbibigay muli ng ayuda sa mga tao ngayong may posibilidad na maghigpit muli ang gobyerno.

Paliwanag ni Robredo, malaking tulong ang ‘stimulus package’ para sa mga taong apektado ng lockdown katulad ng ginawa ng Malaysia.

‘”Sumunod nalang kasi kayo”. Madali lang ito sabihin if you are speaking from a position of privilege. Pero kung wala ka nang ipapakain sa pamilya mo lalabas pa din kahit nakakatakot,” ani Robredo.

“Hindi sapat yung binigay natin dati. Magandang halimbawa dito ang Malaysia. Naging sobrang masama din yung cases nila when they started to reopen. But they were able to arrest the situation. Maraming ginawa to achieve this. Isa doon, 6 nang stimulus packages yung naibigay nila,” dagdag niya pa.

Matatandaan na nakapagbigay na ang gobyerno noon PHP207.6 billion ang gobyerno sa mga Pilipino bilang ayuda.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Malacanang tungkol sa bagong mungkahi ni Robredo.

Facebook Comments