Home Celebrities Claudine Barreto kay Raymart Santiago tungkol sa suporta: Hindi ho ako ang nagsabi na magbigay siya ng P100,000 kada buwan kundi yung judge!

Claudine Barreto kay Raymart Santiago tungkol sa suporta: Hindi ho ako ang nagsabi na magbigay siya ng P100,000 kada buwan kundi yung judge!

0

Hanggang ngayon ay hindi tinitigilan ng dating aktres na si Claudine Barreto ang kanyang dating asawa na si Raymart Santiago tungkol sa usaping suporta.

Sa kanyang Instagram account, nag post ng mensahe si Claudine para kay Raymart kung saan ay hinihikayat nito ang kanyang dating asawa na maging responsable at ituloy ang pagsuporta sa kanyang mga anak.

“Real dads support their children without the law telling them they have to. This is for you raymartsantiago fight fair for once in your life!!!” ani Claudine.

Matatandaan na ilang beses ng nagbigay ng pahayag sa social media si Claudine tungkol sa kanyang asawa na ngayo’y may relasyon kay Jodi Sta. Maria.

Naghiwalay ang dalawa noong 2014 matapos ang napakakontrobersiyal nilang relasyon.

Noong 2020 ay nagsampa ng kaso ang kampo ni Claudine laban kay Raymart dahil hindi ito nagbibigay ng sustento sa kanilang anak na sina Sabina at Santino.

Ayon sa abogado ni Claudine noon na si Atty. Ferdinand Topacio ay 14,000 pesos lamang ang ipinapadala noon ni Raymart at naniniwala sila na kulang ito.

Sinabi nila na 100,000 talaga ang pinagkasunduan noon ni Claudine at Raymart, ngunit ayon sa abogado ay kulang parin daw para sa aktres ang halaga na ‘yon.

“Before in court, meron na silang pinirmahan na 100,000 pesos a monthj na pwede pwede na rin, although insufficient pa rin. But even that, hindi natutupad, kaya we have to file a case against him,’ sabi ni Topacio.

Sa isang panayam naman ay sinabi ni Claudine na dalawang taping lamang ni Raymart ang 100,000 pesos kaya naman hindi siya makapaniwala na hindi ito maayos na ibinibigay ng aktor.

“Hindi ho ako ang nagsabi na magbigay siya ng P100,000 kundi po iyong judge namin. Kasi, tinitingnan nila iyong background ng mga bata, di ba? He’s supposed to give P100,000 a month which is you know very ano naman, tama lang. Kasi, magkano ba siya, per taping? Eighty thousand?” sabi ni Claudine.

“So, ano ba iyong mabigay mo iyong dalawang taping mo sa dalawang mga anak mo,” dagdag niya pa.

Facebook Comments