Home Social Media Kinawawa? Martial Arts instructor, pinuna dahil sa tila sobra nitong ginawa sa kanyang estudyante

Kinawawa? Martial Arts instructor, pinuna dahil sa tila sobra nitong ginawa sa kanyang estudyante

0

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang ginawa ng isang Mixed Martial Arts (MMA) Instructor sa kanyang estudyante na gusto lamang depensahan ang kanyang sarili.

Sa isang Facebook post, pinuna ng isang MMA professional na si Jason Vergara ang instructor na nakilalang si Nick Primavera dahil diumano sa ginawa nitong pang aapi sa kanyang estudyante na hindi na natin papangalanan pa.

Ipinakita pa ni Vergara ang video kung saan ay tila nag ala round girl pa ang isa sa mga customer ng nasabing gym bago banatan ni Primavera ang kanyang estudyante.

Walang soot na gloves si Primavera katulad ng kanyang estudyante.

Matapos ang ilang segundo ay walang ano anong sinipa ng instructor ang kanyang estudyante na tila napangiti pa.

Ngunit hindi pa ito natapos dahil sinundan pa ito ng isang sipa sa mukha ni Primavera, kung saan ay tuluyan ng nawalan ng balanse ang estduyante.

Ayon kay Vergara, ay hindi tama ang ginawa ng instructor sa bata dahil hindi mukhang hindi naman nito alam ang kanyang gagawin.

“Kunsintidor pa mga kasama mo. Dapat sayo mawalan ng trabaho?! Wag mo gamitin kaalam mo sa muaythai para sa pambubully mo!” ani Vergara.

Sinabi pa ni Vergara na hindi niya nakayanan pigilan ang kanyang damdamin ng makita niya ang ginawa ng instructor sa kanyang estudyante.

“Linawin ko lang po madami galit sakin dito hndi ko entensyon na mag pakisat sa post nato kaya ko pinost mga ma’am/sir para matuto sya at maturuan ng leksyon hndi porket may alam sya gagamitan nya sa pambubully nya, nagulat at nasaktan lang po ako sa napanood ko sa tingin nyo ba tama yon. Sorry po mga galit jan sakin,” paglilinaw ni Vergara.

Umabot na ng 20,000 shares ang nasabing post ni Vergara.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Primavera sa kanyang ginawa.

Facebook Comments