Home Celebrities Derek Ramsay, may reaksyon sa kumakalat muling isyu tungkol sa kanila noon ni Erich Gonzales

Derek Ramsay, may reaksyon sa kumakalat muling isyu tungkol sa kanila noon ni Erich Gonzales

0

Tila hindi natuwa si Derek Ramsay matapos pag usapan muli ang isyu sa kanila noon ng aktres na si Erich Gonzales.

Sa isang artikulo mula sa pep.ph, pinag usapan muli ang diumano’y pagka-link ni Derek kay Erich matapos itong ilabas sa isang blind item ni Mr. Fu, Lolit Solis at Cristy Fermin.

Ayon sa blind item, naiwan daw ng nasabing aktres ang kanyang underwear sa kwarto ng aktor.

Nakarating naman daw ang kwentong ito sa karelasyon noon ng aktor at nagkaroon pa nga daw ng enkwentro.’

Pinangalanan naman ni Lolit na sina Erich, Derek at Angelica daw ang nasa blind item ni Mr. Fu kaya naman may ilang showbiz reporter na tumawag sa aktor para linawin ito.

Tila naiiritang itinanggi ni Derek at nasabing balita.

“Tinawagan ng co-host kong si Morly Alinio si Derek para hingan ng sagot sa kuwentong yun. Kuwento sa akin ni Morly, halatang nairita si Derek sa tsismis na yun,” ayon kay Gorgy Rula ng Pep.

“Halos sampung taon na raw noong naging sila ni Angelica at hindi nga raw sila tinantanan ng mga intriga. Pero yung intrigang may naiwang panty ay mariin daw itinanggi ni Derek. Magkaibigan lang daw sila ni Erich at wala raw ganoong pangyayari. Naalala rin daw ni Derek nung sila pa ni Angelica na may tsismis ding naiwang condom sa kotse niya. Wala rin daw katotohanan yun, at bakit daw niya bababuyin ang kotse niya?” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay laman parin ng mga pahayagan si Derek dahil sa kanyang bagong relasyon kay Ellen Adarna.

Kontrobersiyal ang aktor dahil sa dami ng na link sa kanyang babae.

Ayon sa isang artikulo, naging parte narin ng buhay ni Derek sina Andrea Torres, Christine Reyes, Alexa Ramos, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Solenn Heussaff at Mary Christine Jolly.

Facebook Comments